Halos 4,000 katao naniwala sa fake news na mamimigay ng pera si Willie Revillame

by Jojo Gabinete
Jan 28, 2021
wowowin audience
Willie Revillame: "Humihingi ako ng paumanhin sa mga nagpunta dito, sa mga nanay, lola, sa mga binata, dalaga... kumpleto. May mga anak pa na sanggol at meron pang mga kariton, nandoroon ang kanilang mga aso. Pasensiya na kayo, hindi ito ang panahon para gawin natin ‘yan para hindi tayo magkahawaan."
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

Mahigit sa apat na libo ang bilang ng mga kababayan nating mahihirap ang dumagsa sa harap ng Wil Tower Mall sa Eugenio Lopez Drive, Quezon City, kahapon, January 27.

Umasa silang makikita nila nang personal si Willie Revillame na nagdiwang ng 60th birthday.

Bukod sa kagustuhang personal na batiin si Willie ng maligayang kaarawan, naniwala at naging biktima ang mga kawawang kababayan natin ng fake news na mamimigay ng pera ang Wowowin host.

people gathered infront of wil tower mall

Continue reading below ↓

Sa live telecast ng Tutok To Win ngayong Huwebes ng hapon, January 28, paulit-ulit ang paghingi ni Willie ng paumanhin sa mga taong nagtipon-tipon sa harap ng Wil Tower Mall, ang pansamantalang studio ng kanyang top-rating program sa GMA-7.

"Hindi ko kayo pinabayaan, gusto ko kayong ingatan," bahagi ng mensaheng ipinarating ni Willie sa ating mga kababayang nabigong makita siya.

"Gusto ko lang ipaliwanag sa inyo na noong Tuesday ho, ini-explain ko sa inyo, bawal hong pumunta dito.

"Kasi marami na ang natutulog sa labas ng Wil Tower, diyan sa audience entrance ng ABS-CBN, pero pinapaalis na po ng mga tanod, ng mga barangay.

"Siyempre, hindi mo naman matitiis ‘yan dahil nandiyan sila, bumabati naman ng birthday mo. Pero kaya lang ho, may sinusunod ho tayong batas.

"Kahapon ho, dumagsa, actually, ilang araw nang dumadagsa ang tao diyan. Siguro, it’s almost about 4,000 ang tao na dumating.

"Humihingi ho ako ng kapatawaran, ng pasensiya sa inyo, sa pang-unawa, dahil alam niyo naman po na kailangang sumunod tayo sa batas, social distancing.

Continue reading below ↓

"Alam ko ho na gusto niyo ako mabati, gusto ko nga kayo na mapuntahan sana, pero hindi ho ako pwedeng bumaba.

"I’m sorry dahil pinigilan ho ako ng mga pulis dahil baka may mangyari pa na hindi maganda.

"Sana maintindihan niyo po na kaya ginawa itong Tutok To Win para hindi na kayo bumibiyahe dito," paliwanag ni Willie tungkol sa nangyari at sa hindi niya pagbaba mula sa studio ng Tutok To Win sa penthouse ng Wil Tower Mall.

4,000 fans of host willie revillame gathered in penthouse at wil tower mall

Continue reading below ↓

Pinasalamatan ni Willie ang pamahalaan ng Quezon City dahil sa pagpapadala nito ng mga ambulansya, ng mga pulis, at barangay tanod na nagpatupad ng kaayusan para maiwasan ang pagkakagulo ng fans na dumagsa sa Wil Tower Mall.

"Nagpadala ho ng napakaraming ambulansya for safety, mga pulis, mga barangay tanod, so halos beinte-kuwatro oras silang nagbabantay dito.

"May gumawa kasi ng fake news na magbibigay raw ako. Mahirap hong gawin ‘yan kasi may batas tayo na sinusunod.

"Humihingi ako ng paumanhin sa mga nagpunta dito, sa mga nanay, lola, sa mga binata, dalaga... kumpleto. May mga anak pa na sanggol at meron pang mga kariton, nandoroon ang kanilang mga aso.

"Pasensiya na kayo, hindi ito ang panahon para gawin natin ‘yan para hindi tayo magkahawaan.

"Hindi natin masabi, baka may dumating diyan na merong sakit, magkakahawaan tayo.

"Pasensiya na kayo, hindi ko ipinagdadamot yung oras na pwede ko kayong makasama at mayakap.

Continue reading below ↓

"Sa totoo lang, nakahanda ho ako na bumaba, pero pinagsabihan akong hindi pupuwede."

fans of willie gathered following fake news

Matapos humingi ng paulit-ulit na paumanhin, nagbitaw si Willie ng pangakong kapag natapos na ang coronavirus pandemic, magkakaroon siya ng free show para makasama ang fans na miss na miss na niya.

"Pangako ko sa inyong lahat, once na matapos itong pandemya at pupuwede tayong magsama-sama uli, makikiusap ako sa pamahalaan, kung hindi man dito sa Quezon City, maaaring sa Maynila, maaaring sa MOA, maaaring sa Araneta Coliseum, siguro mas maganda sa open, sa Luneta, gagawa ako ng programa na handog para sa inyo.

Continue reading below ↓

"Kaya ipagdasal nating matapos na po itong pinagdadaanan natin, hindi lang sa ating bansa kundi sa buong mundo."

Sa huli, nakiusap si Willie na huwag nang gumawa ng fake news dahil kawawa ang mga taong naniniwala.

"Huwag na ho kayong gumagawa ng fake news. Kawawa ang ating mga kababayan. Galing ho ng iba-ibang lugar, wala silang pamasahe.

"Paano niyo ho bibigyan ‘yan, kapag binigyan mo ang isa, bibigyan mo yung apat na libong ‘yan. Mahirap ho, baka magkaproblema pa.

"Basta pangako ko sa inyo, matapos lang itong pandemya na 'to, ma-solve lang ang problemang ito, gagawa ako ng paraan na makagawa ng kasiyahan para sa inyo."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Willie Revillame: "Humihingi ako ng paumanhin sa mga nagpunta dito, sa mga nanay, lola, sa mga binata, dalaga... kumpleto. May mga anak pa na sanggol at meron pang mga kariton, nandoroon ang kanilang mga aso. Pasensiya na kayo, hindi ito ang panahon para gawin natin ‘yan para hindi tayo magkahawaan."
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results