Quezon City, ipinag-utos ang contact tracing sa mga dumagsa sa birthday ni Willie Revillame

by Jojo Gabinete
Jan 29, 2021
Tinatayang halos 4,000 katao ang nagtungo sa Wil Tower Mall mula January 27 hanggang January 28 dahil sa paniniwalang mamimigay ng pera ang Wowowin host na si Willie Revillame.

Ipinag-utos ni Quezon City Mayor Joy Belmonte sa City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) na agad magsagawa ng contact tracing sa mga taong dumagsa sa Wil Tower Mall mula Miyerkules ng gabi, January 27, hanggang Huwebes nang umaga, January 28, 2021.

Sinabi ni Belmonte na magbibigay ng libreng COVID-19 testing ang kanyang pamahalaan para sa mga taong nagpunta at tumambay sa harap ng Wil Tower Mall at audience entrance ng ABS-CBN.

Pinaniwalaan ng mga taong ito ang fake news na mamimigay ng pera si Willie Revillame bilang bahagi ng pagdiriwang ng 60th birthday ng Wowowin host noong January 27.

"We will conduct tracing and will offer free testing to those who gathered infront of the studio.

"I am inviting those who may not have been listed themselves for testing at any of our community-based testing centers so we can prevent the community transmission of COVID-19,” pahayag ni Belmonte sa official statement na inilabas ng kanyang tanggapan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakipagtulungan si Willie sa contact tracing na ginagawa ng Quezon City government sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga pangalan ng mga nagpunta sa Wil Tower Mall noong Miyerkules.

Bago sumapit ang kanyang kaarawan, hindi nagkulang si Willie sa paulit-ulit na paalaala sa viewers ng kanyang programa, ang Tutok To Win sa Wowowin, na huwag nang pumunta sa Wil Tower Mall bilang pag-iingat laban sa banta ng coronavirus.

Pero umiral ang pagiging pasaway ng mga kababayan nating hindi pinakinggan ang pakiusap niya.

Incidentally, hindi lamang ang contact tracing sa mga dumagsa sa Wil Tower Mall ang dapat pagtuunan ng pansin ng pamahalaan ni Belmonte.

Mas matindi ang ginagawa ng ilang homeless children sa paligid ng Nepa Q-Mart, specifically sa Montreal Street, Barangay E. Rodriguez sa Cubao, Quezon City.

May mga homeless family na nakatira sa kalsada ng Montreal Street at may mga batang namamalimos na hindi nakasuot ng face mask at harapang binubugahan nila ng hininga ang mga nabibiglang tao na kanilang hinihingan ng pera pero hindi sila binibigyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hindi nawawala ang Quezon City sa listahan ng mga siyudad na may mataas na kaso ng COVID-19 kaya dapat paigtingin pa ni Belmonte ang pagpapatupad sa mga ordinansa ng siyudad na kanyang nasasakupan laban sa coronavirus, lalo na sa mga homeless na tila hindi nag-iingat at hindi sineseryoso ang panganib sa kalusugan na hatid ng pandemya.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tinatayang halos 4,000 katao ang nagtungo sa Wil Tower Mall mula January 27 hanggang January 28 dahil sa paniniwalang mamimigay ng pera ang Wowowin host na si Willie Revillame.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results