Mga ex ni Alma Moreno na sina Dolphy at Joey Marquez, may special mention sa Pornstar

by Jojo Gabinete
Jan 30, 2021
Parang hindi umarte sa harap ng kamera ang mga bida ng Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar na sina Rosanna Roces, Maui Taylor, Alma Moreno, at Ara Mina dahil ang mga sariling karakter nila ang kanilang ginampanan.

Hindi lamang ang pangalan ni Senator Lito Lapid ang nabanggit sa isang eksena ng Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar.

Napag-usapan rin sina Mang Dolphy at Joey Marquez na kapwa nagkaroon noon ng relasyon kay Alma Moreno.

Nag-umpisa ang streaming ng Pornstar sa VivaMax nitong Biyernes, January 29, 2021.

At isa sa tiyak na pag-uusapan ng mga nakapanood ng pelikula ang special mention kay Mang Dolphy habang nakatingala si Alma sa langit, nakadikit ang kanyang mga palad, at humingi ng tawad sa King of Comedy.

Yumao si Mang Dolphy noong July 2012.

Si Vandolph ang nag-iisang anak nina Alma at Dolphy, habang sina Winwyn, Vittorio Joey, at Yeoj naman ang mga naging anak nina Alma at Joey.

Sina Alma, Rosanna Roces, Ara Mina, at Maui Taylor ang mga bida sa Pornstar, at effortless ang naging pag-arte nila sa harap ng mga kamera dahil ang mga sariling karakter ang kanilang ginampanan.

Continue reading below ↓

Natural na natural ang batuhan ng mga linya ng apat na aktres.

At dahil nanggaling sa kanilang mga personal na karanasan ang mga sinasabi nila, mapapansing hindi scripted ang karamihan sa mga eksena.

Maninibago kay Ara ang mga nagbabalak manood ng Pornstar dahil sa kauna-unahang pagkakataon, namutawi mula sa kanyang bibig ang mga salitang itinuturing na malaswa ng mga moralista.

Ang Pornstar ay higit pa sa pagiging sexy-comedy film. Tinalakay rin ng direktor na si Darryl Yap ang malungkot na buhay ng mga sexy stars na ikinumpara niya sa isang litsong baboy.

"Totoo, ang pelikulang ito, gaya ng sinasabi ng mga moralista ay isang kababuyan.

"Sa mga nagdaang linggo, naging pokus ng tanong ng mga reporter sa mga artista ng #Pornstar, ay kung hindi ba sila nasaktan sa linya na 'LAOS NA TAYO.'

"Maiintindihan nating lahat, bakit hindi sila nasaktan sa 'laos' at bakit kahit aminin man natin o hindi, minsan kahit ginagawa na nating lahat para maging tao, hindi pa rin natin kayang makaiwas sa mga pambababoy ng mga tunay na asal-hayop,” paliwanag ni Darryl tungkol sa pagkukumparang ginawa niya sa baboy at sa mga sexy stars.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

The PEP REVIEW section carries the views of individual reviewers, and does not necessarily reflect the views of the PEP editorial team.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Parang hindi umarte sa harap ng kamera ang mga bida ng Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar na sina Rosanna Roces, Maui Taylor, Alma Moreno, at Ara Mina dahil ang mga sariling karakter nila ang kanilang ginampanan.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results