Woke Up Like This at Our Mighty Yaya, trending sa Netflix Top 10 Movies in PH

by Jojo Gabinete
Feb 1, 2021
Mga pelikula ng Regal Entertainment, humahataw sa trending movies sa Netflix. Ang latest rito ay ang Woke Up Like This nina Vhong Navarro at Lovi Poe (upper left) pati na ang Our Mighty Yaya ni Ai-Ai delas Alas (lower left).
PHOTO/S: Noel Orsal for PEP.ph / GMA-7 / Netflix

Humahataw sa Netflix ang Regal Entertainment, Inc. dahil hindi nawawala sa listahan ng Top 10 Movies in the Philippines ng nabanggit na streaming service ang mga pelikulang iprinodyus ng film outfit ng mag-inang Lily at Roselle Monteverde.

Ngayong Lunes, February 1, ang Woke Up Like This ang No. 4 at ang Our Mighty Yaya ang No. 5 sa listahan ng Netflix na Top 10 Movies in the Philippines.

Ang Woke Up Like This ang comedy movie nina Vhong Navarro at Lovi Poe.

Tungkol ito sa isang basketball player at isang sikat na modelo na hindi inaasahang nag-swap ang kanilang katawan pagkatapos nilang magdiwang ng kanilang kaarawan. Ipinalabas iyon noong August 23, 2017.

vhong navarro, lovi poe in Woke Up Like This

Continue reading below ↓

Ang Our Mighty Yaya ang pelikulang pinagbidahan ni Ai-Ai delas Alas tungkol sa isang super tagapag-alaga ng dalawang sutil na magkapatid.

Mapapamahal sila sa isa't isa matapos ang mga kuwela nilang mga karanasan na tiyak na magbibigay inspirasyon sa mga manonood. Iyon ang Mother’s Day presentation ng Regal noong May 10, 2017.

Ai Ai delas Alas in Mighty Yaya

Continue reading below ↓

Parehong moneymaker ang mga nasabing pelikula dahil pinilahan ito sa box office nang i-release sa local movie houses.

Popular sa young Netflix viewers, na may edad 8 hanggang 11 years old, ang Our Mighty Yaya at ang Woke Up Like This dahil bentang-benta sa kanila ang mga nakakatawang eksena.

Ito marahil ang rason kaya ilang araw nang nasa listahan ng Top 10 Movies in the Philippines ang mga comedy movie nina Ai-Ai at Vhong-Lovi.

MORE REGAL ENTERTAINMENT MOVIES ON NETFLIX

Noong January 2021, hindi rin nawala sa Top 10 Movies ng Netflix ang The Heiress (Maricel Soriano and Janella Salvador), The Hopeful Romantic (Pepe Herrera and Ritz Azul), at Unli Life (Vhong Navarro at Winwyn Marquez).

Pasok din ang My 2 Mommies (Paolo Ballesteros, Solenn Heussaff, at Maricel Soriano) at Ang Henerasyong Sumuko sa Love (Tony Labrusca, Jane Oineza, Albie Casiño, Jerome Ponce, at Myrte Sarrosa).

Hindi masyadong tinangkilik ng moviegoers ang Ang Henerasyong Sumuko sa Love nang ipalabas ito sa mga sinehan noong October 2, 2019.

Continue reading below ↓

Pero tulad ng kapalaran ng Through Night and Day nina Paolo Contis at Alessandra de Rossi, sinuportahan, pinanood, at naging popular sa Netflix viewers ang youth-oriented movie ng direktor na si Jason Paul Laxamana.

netflix top 10 movies in PH

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mga pelikula ng Regal Entertainment, humahataw sa trending movies sa Netflix. Ang latest rito ay ang Woke Up Like This nina Vhong Navarro at Lovi Poe (upper left) pati na ang Our Mighty Yaya ni Ai-Ai delas Alas (lower left).
PHOTO/S: Noel Orsal for PEP.ph / GMA-7 / Netflix
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results