Bagong cast member ng Ben x Jim, may kumakalat na video scandal

by Jojo Gabinete
Feb 2, 2021
Ben x Jim cast members: (first row, from left) Sarah Edwards, Jerome Ponce, Teejay Marquez, Ejay Jallorina, at Annika dela Cruz; (second row, from left) Ron Galang, Jerome Angeles, Johannes Rissler, Darwin Yu, at Miko Gallardo.

Mapapanood na rin sa www.upstream.ph simula sa February 12 ang Season 2 ng Ben X Jim, ang well-loved at successful Boys Love series ng Regal Entertainment, Inc. na pinagbibidahan nina Teejay Marquez at Jerome Ponce.

Ang mahusay na panulat at direksiyon ni Easy Ferrer na alam na alam ang pulso ng manonood, ang malakas na chemistry at kilig factor ng tambalan nina Teejay at Jerome ang ilan sa mga dahilan kaya naging popular maging sa ibang bansa ang Ben X Jim.

Malaki rin ang kontribusyon ng "Stars Align" para magustuhan ng manonood ang BL series ng Regal.

Ang "Stars Align" ang theme song ng Ben X Jim na may matinding Last Song Syndrome at inawit ng SwaveSound.

Nadagdagan ang mga karakter sa Season 2 ng Ben X Jim dahil sa mga bagong cast member—sina Vance Larena, Royce Cabrera, Miko Gallardo, Darwin Yu, Jomari Angeles, Ejay Jallorina, at Annika dela Cruz.

Continue reading below ↓

Kasama pa rin sa cast sina Kat Galang, Ron Angeles, Johannes Rissler, at Sarah Edwards.

Ben x Jim cast

Isa sa mga bagong miyembro ng Ben X Jim ang kontrobersiyal dahil kalat na kalat na ang kanyang mga video scandal.

Posibleng makatulong ang participation niya sa Season 2 para lalong umingay ang dati nang maingay na BL series nina Teejay at Jerome.

Continue reading below ↓

Tulad ng ibang mga male showbiz personality na sangkot sa mga video scandal, hindi naging maingat ang aktor, na produkto ng isang talent search, dahil nangibabaw sa kanya ang kapusukan at pagiging experimental.

Hindi na siya natuto mula sa karanasan ng ibang mga male celebrity na pinagsisihan ang ginawang kapangahasan.

Dalawa at hindi lamang isa ang video scandal ng aktor na kuha sa magkahiwalay na pagkakataon. Imposibleng hindi ito maungkat at mapag-usapan dahil kasama na siya sa cast ng popular at sinusubaybayang BL series ng Regal.

Mahihirapan ang aktor na itanggi ang mga personal video niya dahil malinaw na malinaw na ito.

Kaya dalawa lamang ang kanyang choice: ang umamin o palipasin na lamang ang kontrobersiya hanggang kusang mamatay ang isyung siya rin ang may kagagawan.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ben x Jim cast members: (first row, from left) Sarah Edwards, Jerome Ponce, Teejay Marquez, Ejay Jallorina, at Annika dela Cruz; (second row, from left) Ron Galang, Jerome Angeles, Johannes Rissler, Darwin Yu, at Miko Gallardo.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results