Dating sexy star, nagpatanggal na ng silicone implants

by Jojo Gabinete
Feb 4, 2021
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

Marami ang naninibago sa katawan ng isang former sexy actress dahil pumayat ito sa kanilang paningin.

Totoong nagpapayat ang aktres, pero naging manipis din ang hugis ng katawan niya dahil lumiit ang kanyang dating matambok na dibdib.

Ipinatanggal ng aktres ang silicone implants sa kanyang dibdib na naging puhunan niya noong nagbibida pa siya sa sexy movies.

Nagdesisyon ang aktres na ipaalis ang silicone implants dahil bukod sa kagustuhang bumalik sa dati ang katawan niya, graduate na siya sa pagpapaseksi sa pelikula.

Hindi ang aktres ang kauna-unahang showbiz personality na sumailalim noon sa breast augmentation pero nagpasyang ipaalis ang silicone implants.

Ginawa na ito ng former sexy stars na sina Piel Morena at Michelle Madrigal.

Hindi lang tiyak kung gaya nina Piel at Michelle, magkakaroon din ang aktres ng lakas ng loob na aminin sa publiko na dinispatsa at pinagpahinga na niya ang silicone implants sa kanyang dibdib.

Lihim na lihim ang enhancement na ginawa noon sa dibdib ng aktres dahil baka mabawasan ang pagpapantasya sa kanya ng mga kalalakihang tumangkilik sa mga nakaraang sexy movies na pinagbidahan niya.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results