Andre Yllana, on good terms sa dating live-in partner ng amang si Jomari Yllana

by Jojo Gabinete
Feb 5, 2021
andr yllana viva
Andre Yllana on making a name for himself in showbiz: "Actually, yun ang isa ko pong goal din, makapagtayo ng sarili ko pong name na hindi lang po anak ni Aiko at anak po ni Jomari. In the future po sana, makapagtayo po ako ng sarili kong name, makikilala po ako as Andre Yllana."
PHOTO/S: Viva Artists Agency

Humarap si Andre Yllana sa mga miyembro ng entertainment press ngayong Biyernes ng hapon, February 5, dahil siya ang pinakabagong contract star ng Viva Artists Agency.

Ang pagiging magalang sa pagsasalita at pagsagot sa mga kontrobersiyal na tanong sa idinaos na Zoom mediacon ang aming napansin kay Andre. Isa itong matibay na pruweba na maayos at tama ang pagpapalaki sa kanya ng kanyang ina na si Aiko Melendez.

Hindi lamang polite at down-to-earth si Andre. Marunong, matapat, at matalino din ang kanyang pagsagot nang hingin ang opinyon niya tungkol sa isyung kinasasangkutan ng kanyang ama na si Jomari Yllana at ng former live-in partner nitong si Joy Reyes.

Inakusahan ni Joy si Jomari na hindi nagbibigay ng sustento sa kanilang dalawang anak.

"Wala po akong say diyan kasi siyempre po, respeto na rin po sa mga kapatid ko, pati kay Tita rin po dahil we’re in good terms naman din po.

Continue reading below ↓

"So I just refuse to answer that question po," diretso at walang paligoy-ligoy na sagot ni Andre.

Totoo ang sinabi ni Andre na maganda ang relasyon niya sa ina ng kanyang mga kapatid sa ama. Makikita sa mga Instagram post ni Joy ang mga litrato ng pagdalaw ni Andre sa mga nakababatang kapatid nito.

Continue reading below ↓

Nang tanungin tungkol sa relasyon niya sa kanyang ama, sagot ni Andre, "Mas okey po ang relationship namin ngayon than before."

Dahil mga kilalang artista ang kanyang ina at ama, lumaki si Andre na madalas na tinatanong tungkol sa possible reconciliation ng mga magulang niya kaya handang-handa na raw siya sa mga intriga ngayong seryoso na ang kanyang pagpasok sa entertainment industry.

Saad niya, "Throughout the years po, hindi po maiiwasan yung questions tungkol kay Mom pati kay Daddy. Growing up, umaasa pa rin po ba ako na magkakabalikan sila?

"Siyempre, yung issues ng both parties minsan tinatanong din po ako. So, kumbaga, growing up, talagang nasanay na rin po ako dahil hindi na po nawala yung mga questions na ganoon."

MAKING A NAME FOR HIMSELF

Desidido rin ang 22-year-old aspiring actor na makagawa ng pangalan at magkaroon ng sariling identity sa showbiz.

"Actually, yun ang isa ko pong goal din, makapagtayo ng sarili ko pong name na hindi lang po anak ni Aiko at anak po ni Jomari.

Continue reading below ↓

"In the future po sana, makapagtayo po ako ng sarili kong name, makikilala po ako as Andre Yllana."

May kurot sa puso ang binitiwang salita ni Andre nang hingin ang sagot nito tungkol sa kanyang malungkot na karanasan na gagamitin niya sa mga dramatic o crying scenes.

"Siguro po yung growing up na broken family po. Siguro yun po ang gagamitin ko na pang-internalize po," sabi ni Andre.

Isa itong patunay na may malaking epekto talaga sa mga bata kapag nagkakahiwalay ang kanilang mga magulang.

Tiniyak ni Andre na wala nang atrasan ang kanyang pag-aartista na naudlot dahil naging hadlang ang pag-aaral na top priority niya noon.

"Handang-handa na po ako kasi patapos na rin po kasi ako sa pag-aaral po, e, yun po ang naging hadlang dati po. Nahihirapan po ako pagsabayin.

"Pa-graduate na rin po ako ngayon, OJT na lang po kaya sure na sure na po tayo ngayon," sabi niya.

Continue reading below ↓

Kumuha si Andre ng Automotive Mechanic sa Don Bosco Techinical Institure dahil mahilig siya sa mga sasakyan.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Andre Yllana on making a name for himself in showbiz: "Actually, yun ang isa ko pong goal din, makapagtayo ng sarili ko pong name na hindi lang po anak ni Aiko at anak po ni Jomari. In the future po sana, makapagtayo po ako ng sarili kong name, makikilala po ako as Andre Yllana."
PHOTO/S: Viva Artists Agency
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results