Parang Kayo Pero Hindi at Ben x Jim Forever, mapapanood na via streaming ngayong Valentine's

by Jojo Gabinete
Feb 5, 2021
(Left) Sina Marco Gumabao, Kylie Verzosa, at Xian Lim ang mga bida sa Valentine's Day offering ng Viva Films na Parang Kayo Pero Hindi; (right) magbabalik ang tambalan nina Teejay Marquez at Jerome Ponce sa Ben x Jim ng Regal Entertainment, Inc.

Walang kasiguraduhan kung kailan magbubukas ang mga sinehan sa Metro Manila dahil nakadeklara pa rin ang General Community Quarantine.

Ang mga sinehan ang pinakamalungkot na bahagi ng mga mall dahil wala na ang mahahabang pila ng mga taong tumatangkilik sa mga pelikula.

Sa March 15 ang unang anibersaryo nang sumailalim sa Enhanced Community Quarantine ang Luzon bilang pag-iingat laban sa banta ng coronavirus.

Mag-iisang taon na ring sarado ang mga sinehan kaya isinilang ang mga streaming platform gaya ng UPSTREAM.ph at VivaMax.

Wala nang dahilan para lumabas ng bahay ang mga Pilipino para manood ng sine dahil sa magkasunod na buwan na pagbubukas ng UPSTREAM.ph (December 2020) at ng VivaMax (January 2021).

Halos walang ipinagkaiba sa mga sinehan ang UPSTREAM.ph at VivaMax dahil may mga original content silang magkasabay ang streaming dates.

Kung ang Parang Kayo Pero Hindi ng Viva Films ang Valentine’s Day presentation ng VivaMax sa February 12, ang Season 2 ng BL Series na Ben X Jim Forever ng Regal Entertainment, Inc. ang ipalalabas ng UPSTREAM.ph sa naturang petsa.

Continue reading below ↓

Mga bida sa Parang Kayo Pero Hindi sina Marco Gumabao, Kylie Verzosa, at Xian Lim.

Sina Teejay Marquez at Jerome Ponce naman ang lead stars ng Ben X Jim Forever.

Hindi natatapos sa Parang Kayo Pero Hindi at Ben X Jim Forever ang healthy competition ng UPSTREAM.ph at Viva Max.

Parehong mapapanood sa mga naturang streaming site ang Parasite, ang South Korean movie na tinanghal na best picture sa 92nd Academy Awards noong February 2020.

Ang colored version ng Parasite ang special offering ng VivaMax simula sa February 19.

Sa March 5 naman, ang black-and-white copy ng Parasite ang handog ng UPSTREAM.ph.

Parasite black and white copy

Continue reading below ↓

Nag-umpisa sa VivaMax ngayong araw, February 5, ang streaming ng dalawang pelikulang opisyal na kalahok sa 46th Metro Manila Film Festival noong December 20.

Ito ay ang Pakboys: Takusa, ang comedy movie nina Andrew E., Dennis Padilla, Jerald Napoles, at Janno Gibbs at ang Suarez: The Healing Priest, ang biographical film tungkol sa buhay ni Fr. Fernando Suarez na ginampanan ni John Arcilla.

Bago ipinalabas sa VivaMax ang Pakboys at ang Suarez, una muna itong napanood sa UPSTREAM.ph noong December 25, 2020 hanggang January 7, 2021.

Ang UPSTREAM.ph ang official streaming partner ng MMFF at MMDA, ang organizers ng 46th Metro Manila Film Festival. Kaya kung tutuusin, hindi mawawala ang koneksiyon at kapaki-pakinabang na kompetisyon nila sa isa't isa ng VivaMax.

Kung ipinagmamalaki ng UPSTREAM.ph na nilikha ito ng mga Pilipino para sa mga Pilipino, "Atin ‘To!" naman ang makabayan ding slogan ng VivaMax.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Left) Sina Marco Gumabao, Kylie Verzosa, at Xian Lim ang mga bida sa Valentine's Day offering ng Viva Films na Parang Kayo Pero Hindi; (right) magbabalik ang tambalan nina Teejay Marquez at Jerome Ponce sa Ben x Jim ng Regal Entertainment, Inc.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results