Kontrobersyal na aktor, pumayag sa "sextra challenge" ng niligawang aktres

by Jojo Gabinete
Feb 6, 2021
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

Naging biktima ng kalaswaan ang kontrobersyal na aktor noong kabataan nito at hindi pa pumapasok sa showbiz.

Ito ay dahil sa panliligaw niya sa isang sikat na aktres.

Mismong ang aktres ang nagkuwentong pinaglaruan niya noon ang aktor, at nangyari ang insidente nang magkita sila sa Amerika.

Love at first sight ang naramdaman ng aktor sa unang pagtatagpo nila ng aktres at dahil mapusok, masugid ang panunuyo na kanyang ginawa.

Likas ang kapilyahan ng aktres kaya binigyan nito ng pagsubok ang aktor—ang gumawa ito ng kahalayan sa harap niya at ng kanyang mga kaibigan.

Sinabi ng aktres na kapag sinunod ng aktor ang ibinigay niyang challenge, ito ang patunay na seryoso ang kanyang manliligaw.

Hindi nagdalawang-isip ang aktor dahil buong puso niyang ginawa ang malaswang hamon bilang pruweba na malinis ang kanyang intensyon.

Pero nasaktan lamang ang aktor dahil ni-reject ito ng aktres. Huli na nang mapagtanto niya na pinaglaruan at pinaasa lamang siya.

Continue reading below ↓

Sumikat ang aktor dahil nagkasunud-sunod ang kanyang mga movie at TV projects.

Sa tuwing nakikita siya ng aktres, hindi nito mapigilang maalaala at ikuwento ang "sextra challenge" na ipinagawa niya sa aktor.

Artista na rin ang anak ng aktres at magkasama sila ng aktor sa isang project.

Walang dahilan para mangamba ang aktres na baka gantihan siya ng aktor sa pamamagitan ng kanyang anak dahil sa ginawa niya noon.

Maingat at mapagkakatiwalaan ang anak ng aktres na pihikan at tiyak na hindi mapaiibig ng aktor.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results