Ion Perez, nakitira sa isang fashion designer noong unang sumubok mag-artista

by Jojo Gabinete
Feb 7, 2021
Taong 2010 pa lang ay sinubukan na ni Ion Perez na pasukin ang show business, at makalipas ang mahigit isang dekada ay leading man na siya sa isang pelikula.
PHOTO/S: Robert Castaneda / Instagram

Bago pa nakilala ni Ion Perez ang kanyang partner na si Vice Ganda, si Willie Revillame muna ang unang TV host na nakadaupang-palad niya. Nangyari ito noong 2010.

Ang mga litrato ni Ion na kasama si Willie at ang dating Willing Willie co-host nitong si Shalani Soledad ang mga ebidensiya na noon pa man, sinusubukan na niya ang kanyang kapalaran sa show business.

young ion perez with willie revillame and shalani soledad

Continue reading below ↓

Mapapansing may resemblance si Ion kay Vice sa mga larawang ipinahiram ni Castañeda sa Cabinet Files noong struggling model at actor pa lamang siya.

vice ganda, ion perez resemblance

Vice Ganda (left) and Ion Perez (right)

Ang former fashion designer na si Robert Castañeda ang isa sa mga tumulong noon kay Ion. Palagi niya itong isinasama sa mga showbiz event, parties, at taping ng mga TV show.

Continue reading below ↓

Benigno Perez ang tunay na pangalan ni Ion. Pero Noi Perez ang pangalang ginagamit niya nang magkakilala sila ni Castañeda noong 2010.

At the time, twenty years old pa lamang si Ion.

fashion designer robert castaneda and ion perez

"I have known him since 2010," sabi ni Castañeda sa pakikipag-usap sa kanya ng Cabinet Files ngayong Linggo ng gabi, February 7.

Continue reading below ↓

"Isinama ko siya noon in one of the events ni Willie. Nasa Channel 5 pa noon ang game show niya.

"Isinama ko rin siya sa taping ng Banana Split, ang show noon ni Edgar Mortiz sa ABS-CBN."

robert castaneda with ion perez in banana split

Ion (with cap) and Robert (with eyeglasses) at Banana Split taping

Continue reading below ↓

Lahad pa ni Castañeda, "He stayed with me for five months. That time, may mga pictorial at mga event siya in Manila. Wala siyang matirhan noon sa Manila so I offered my place.

"Masarap kasama ‘yan. Mabait at masayahin."

Matagal nang hindi nagkukrus ang mga landas nina Ion at Castañeda, pero natatandaan pa nito ang kanilang huling pagkikita nang hindi sinasadya sa isang coffee shop.

"Once, nagkita kami sa Starbucks. I didn’t know na nandoon siya. Lumapit siya.

"Mabait naman ‘yang si Ion. But from then on, wala na akong contact sa kanya," sabi niya.

Masaya si Castañeda para kay Ion dahil natupad ang pangarap nitong maging showbiz personality.

Bida na ngayon si Ion sa sex-comedy movie na Kaka (Bukaka) ng Viva Films, ang launching movie ng aspiring sexy star na si Sunshine Guimary.

“I’m happy for him. Dream naman niya ‘yan, and I’m happy for both of them," pagtukoy ni Castañeda kina Ion at Vice.

Continue reading below ↓

"Sa simula, I asked Biboy Arboleda [Coco Martin’s manager] at Arnold Vegafria to handle him.

"Ang problem lang niya kasi noon, may punto [accent] siya kapag nagsasalita.

"Noong makita ni Biboy si Ion, sabi niya, 'Kapag nakita ni Vice ‘yan, sigurado mata-type-an niya,' and true nga."

Mahigit dalawang taon na ang relasyon nina Ion at Vice.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Taong 2010 pa lang ay sinubukan na ni Ion Perez na pasukin ang show business, at makalipas ang mahigit isang dekada ay leading man na siya sa isang pelikula.
PHOTO/S: Robert Castaneda / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results