Mickey Ferriols, itinuturing na "greatest heartbreak" niya si Archie Alemania

by Jojo Gabinete
Feb 10, 2021
Mickey Ferriols on ex-boyfriend Archie Alemania: "Kami ni Archie, matagal na kaming hiwalay, twelve years na yata, and we have built a friendship na wala nang malice whatever, so we built a friendship now."
PHOTO/S: YouTube / Instagram

Labindalawang taon nang hiwalay sina Mickey Ferriols at Archie Alemania.

Pero napag-usapan pa rin ang kanilang relasyon nang humarap ang 47-year-old actress sa digital mediacon para ipakilala siya bilang bagong talent ng Viva Artists Agency ngayong hapon, February 10.

May isang anak na lalake ang ex-couple, at ito ang dahilan kaya naging magkaibigan ang dalawa matapos ang kanilang bitter split-up noong 2009.

Itinuturing din ito ni Mickey na “greatest heartbreak” niya.

Saad ng aktres, "Kami ni Archie, matagal na kaming hiwalay, twelve years na yata, and we have built a friendship na wala nang malice whatever, so we built a friendship now."

Handa na ba siyang muling magmahal.

Sagot ni Mickey, “To be honest, hindi ako naghahanap, pero kung may ibibigay si God, why not di ba?”

Hindi itinanggi ni Mickey na nagkaroon siya ng dalawang seryosong relasyon nang wakasan nila ni Mickey ang kanilang pagsasama. Pero hindi rin ito naging matagumpay.

Continue reading below ↓

"I had a long-term relationship, hindi rin siya nag-last, and then I had another relationship which lasted about a year, hindi rin nag-last."

Muling nagpakatotoo si Mickey nang sabihin nitong may kinalaman ang coronavirus pandemic sa kanyang desisyong lumapit sa Viva Artists Agency para pamahalaan ang acting career niya.

“Actually, may mga nag-manage sa akin prior to Viva that were really, really nice and kind people.

"It’s just that noong nagkaroon tayo ng pandemic, nahihirapan na silang makahanap ng projects... I’m really being honest, ha?

"So, kinausap ko ang Viva, asking if I can be managed. And I’m grateful kasi hindi naman ako nagdalawang-salita."

May pagkakataon ding hiniling ni Brent kay Mickey na bigyan siya ng kapatid.

Kuwento ni Mickey, "There was a time, nanghihingi siya ng kapatid and hindi tayo pinalad.

"Hindi talaga nakatadhana kay God. Hindi Niya naisulat na ganoon ang mangyayari."

Ang pagiging artista nina Mickey at Archie rin ang rason kaya nagpakita ng interes ang kanilang anak na si Brent na sundan ang mga yapak nila sa showbiz.

Continue reading below ↓

"Interesado siya, kasi kung sasabihin niya sa akin na, ‘No, I don’t want to try showbiz,’ of course I won’t force him. Kaya lang, siya yung nagsabi sa akin.

“Siguro nga kasi nakikita niya kami ng dad niya, sumasama siya minsan sa taping, so I guess he developed an interest for showbiz.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mickey Ferriols on ex-boyfriend Archie Alemania: "Kami ni Archie, matagal na kaming hiwalay, twelve years na yata, and we have built a friendship na wala nang malice whatever, so we built a friendship now."
PHOTO/S: YouTube / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results