Walang personal na plano si Benjamin Alves para sa Valentine’s Day dahil sa lock-in taping ng Owe My Love sa Sta. Maria, Bulacan.
One year in the making ang Owe My Love dahil nag-umpisa ang taping nito noong March 2020.
Pero nahinto nang ideklara sa Luzon ng Duterte government ang Enhanced Community Quarantine bilang pag-iingat laban sa coronavirus pandemic.
Ayon kay Benjamin, very timely ang Owe My Love dahil hindi ordinaryong romantic comedy ang kanilang TV series na tumatalakay rin tungkol sa financial literacy na dapat na matutuhan ng lahat.
“It’s about time that we teach our Kapuso’s and everybody else to watch the show.
“Marami kaming aral about finances. Kung papaano mag-save, kung papaano magpalaki ng pera, kung papaano ba kumita in other ways, kung paano ba umutang nang tama para hindi ka laging nagigipit.”
Para naman sa kanyang doctor role sa Owe My Love, ang Korean actor na si Han Suk-kyu na bida sa Korean television series na Dr. Romantic ang ginamit ni Benjamin na inspirasyon.
Han Suk-kyu in Dr. Romantic
Ang kanyang leading lady na si Lovi Poe raw ang nagrokemenda nito sa kanya.
“Suggested ‘yon ni Lovi, Dr. Romantic. Si Lovi na mismo ang nagsabi sa akin na panoorin ko ‘yon.”
Wala mang plano sa Valentine's Day, hands-on naman si Benjamin sa pag-aasikaso sa House of Roses, ang kanyang online flower shop business na binuksan niya noong August 2020.
Ang kagustuhan ni Benjamin na maging productive sa panahon ng coronavirus pandemic ang nag-udyok para mag-invest siya sa House of Roses, na kilala sa pagbebenta ng mga magaganda at malalaking Ecuadorian roses.
Para sa Valentine’s Day sa darating na Linggo, February 14, ikinuwento ni Benjamin na ngayon pa lang, nag-umpisa nang gumawa ng mga flower arrangement ang sampung florists ng House of Roses dahil sa dami ng orders na natanggap nila.
Ang kanyang negosyo at ang taping ng Owe My Love ang mga pinagkakaabalahan ni Benjamin.