Anne Curtis, di nakalimutang batiin ng It's Showtime hosts sa kanyang 36th birthday

by Jojo Gabinete
Feb 17, 2021
Ngayong February 17 ay ipinagdiriwang ni Anne Curtis ang kanyang ika-36 kaarawan, at hindi siya nagkaligtaang batiin ng co-hosts niya sa noontime show na It's Showtime.
PHOTO/S: @annecurtis on Instagram

Ngayon araw, February 17, ang 36th birthday ni Anne Curtis.

Pero nabigo ang kanyang fans na umasang magre-report siya sa Wednesday live telecast ng It’s Showtime.

Nevertheless, hindi nakalimutan ng It’s Showtime hosts na batiin si Anne ng maligayang kaarawan.

Si Vice Ganda ang nanguna sa pagbati kay Anne.

Aniya, “At dahil dapat mukhang dyosa katulad na lamang ng mahal na mahal ko at mahal na mahal nating lahat at miss na miss na natin na sisterette ko na nagbi-birthday ngayon, batiin natin nang sabay-sabay... Happy birthday, Anne Curtis!!!

“Tinawagan ko siya kanina, nagpapadede. Ang cute-cute ni Dahlia,” pagtukoy ni Vice sa anak nina Anne at Erwan Heussaff na si Dahlia.

Samantala, ang hiling naman ni Vhong Navarro ay bumalik na si Anne sa It’s Showtime sa lalong madaling panahon.

Mahigit isang taon nang hindi napapanood si Anne sa noontime variety show ng ABS-CBN dahil sa pagbubuntis at pagsisilang niya sa panganay nila ni Erwan.

Continue reading below ↓

Ilang araw bago ang kanyang 36th birthday, bumalik sa Pilipinas si Anne at ang pamilya niya. Pero naka-check in sila sa isang hotel sa Makati City para sa required quarantine sa mga bumiyahe mula sa iba’t ibang bansa.

Isang sorpresa ang bumulaga kay Anne nang gumising siya ngayong umaga dahil sa mga pagbating natanggap niya mula sa kanyang fans at supporters.

Hindi inaasahan ni Anne na trending sa Twitter ang kanyang 36th birthday na may hashtag na #AnneCurtisJourneyAt36 kaya ipinaabot niya sa lahat ang pasasalamat

"Woke up to this. Thank you so much my loves in the Twitter world!!!! Sending our virtual hugs and kisses to you all!" mensahe ng aktres.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ngayong February 17 ay ipinagdiriwang ni Anne Curtis ang kanyang ika-36 kaarawan, at hindi siya nagkaligtaang batiin ng co-hosts niya sa noontime show na It's Showtime.
PHOTO/S: @annecurtis on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results