"Bawal Judgmental" guesting ni Harry Roque kontrobersiyal sa Twitter

by Jojo Gabinete
Feb 20, 2021
Harry Roque on "Bawal Judgmental" guesting: "Ako po ay virgin...virgin dahil kauna-unahan ko po na makapunta dito sa Eat Bulaga! Ewan ko ba bata pa ako, e, Eat Bulaga! na ito."
PHOTO/S: Screen Grab from Eat Bulaga!

Si Presidential Spokesperson Harry Roque ang guest judge ngayong araw, February 20, 2021, sa "Bawal Judgmental" ng Eat Bulaga!

Nag-trending siya, ang popular na segment, at ang longest-running noontime show sa Twitter.

Mula sa posisyon na number 11 at number 12, salitan ang #BawalJudgmental at Harry Roque sa number one at number two slots mula kaninang tanghali hanggang pasado alas kuwatro ng hapon.

Harry Roque, Bawal Judgmental trends on Twitter

Continue reading below ↓

Sa kasamaang-palad, hindi positibo ang mga komento tungkol sa guest appearance ni Roque dahil sa mga "judgmental" nitong hirit, ayon sa mga nakapanood na televiewers at netizens.

Hindi rin bumenta ang "virgin" remark nito tungkol sa kanyang guest appearance.

"Ako po ay virgin...virgin dahil kauna-unahan ko po na makapunta dito sa Eat Bulaga! Ewan ko ba bata pa ako, e, Eat Bulaga! na ito. Ngayon lang ako nakapunta dito sa Eat Bulaga!,” ang nagpapa-cute na sabi ng 54-year-old na pulitiko sa viewers ng 41-year-old show.

Marami rin ang naalibadbaran sa kasunod na biro ni Roque na puwede raw nitong ipakita ang kanyang “kanasa-nasa” na katawan.

Habang kausap ang main host ng show na si Vic Sotto, sabi ni Roque, "Alam mo Boss Vic, marami pa akong puwedeng gawin. Puwede akong maging bold star din. Puwede bang ipakita ang aking mga moods?

"At siyempre, yung aking katawan. Marami ang magnanasa sa katawan ko Boss Vic. Puwede ko talagang ipakita sa iyo.

Continue reading below ↓

"Naku, magagalit lang si Chairman Arenas ano?"

Si Rachel Arenas, ang chairperson ng MTRCB o Movie and Television Review and Classification Board.

Ang biro pa ni Roque, this time addressing MTRCB, "Chairman Arenas, puwede bang exemption dahil maganda naman ang aking ipapakita."

Ang sagot ni Vic, "Delikado...delikado Secretary Roque, baka nanonood si Joseph Morong."

Nang marinig ni Roque ang sinabi ni Vic, aniya, "Alam mo, nang magpunta ako dito, sabi ko, 'Wow parang press briefing.' At saka alam mo Jose [Manalo], kamukha mo si Joseph Morong!"

Naging viral si Roque at ang GMA News reporter na si Joseph Morong noong May 2020, matapos kastiguhin ng presidential spokesperson sa isang press briefing ang CNN correpondent na si Triciah Terada dahil sa "mali" na term na ginamit daw ni Terada sa report nito.

Hindi nakapagpaliwanag nang maayos si Terada kahit pa hindi siya yung gumawa ng inaccurate report.

Kumalma si Roque nang si Morong na ang magtatanong, at ang bungad ng huli ay, "Relax."

Continue reading below ↓

CHOICE TOPIC AND GUEST

Samantala, ilan sa mga viewers ang nagpahayag ng pagkadigusto sa topic ng segment na tungkol sa mga lalaking "kabit" o "other man."

Pero may mga nagsabi ring interesting ito, pero hindi sila nasiyahan sa mga side comments kay Roque.

netizens not happy with Harry Roque side comments

netizens not happy with Harry Roque guesting

Continue reading below ↓

May mangilan-ngilan namang nagsabi na "laugh trip" daw ang guesting ni Roque.

netizens harry roque remarks funny

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Harry Roque on "Bawal Judgmental" guesting: "Ako po ay virgin...virgin dahil kauna-unahan ko po na makapunta dito sa Eat Bulaga! Ewan ko ba bata pa ako, e, Eat Bulaga! na ito."
PHOTO/S: Screen Grab from Eat Bulaga!
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results