A Moment To Remember nina Bea Alonzo, Alden Richards maraming versions sa ibang bansa

by Jojo Gabinete
Feb 21, 2021
Sa March 14, 2021 na ang shooting day ng A Moment to Remember nina Alden Richards (R) at Bea Alonzo (2nd from R). Philippine adaptation ito ng South Korean blockbuster film nina Son Ye-jin (2nd from L) at Jung Woo-sung (L).
PHOTO/S: Movie poster; Head and Shoulders

Kung hindi magkakaroon ng pagbabago sa plano, magsisimula sa March 14, 2021 ang shooting ng A Moment to Remember, ang unang movie teamup nina Bea Alonzo at Alden Richards.

Nakatakda naman sa papasok na linggo ang story conference ng Philippine adaptation ng South Korean blockbuster romance drama film na pinagbidahan nina Son Ye-jin at Jung Woo-sung, at ipinalabas sa mga sinehan noong November 2004.

Co-production venture ng Viva Films at GMA Pictures ang Philippine version ng A Moment to Remember na mula sa panulat ni Mel del Rosario at direksyon ni Nuel Naval.

Ang kuwento ng pelikula ay tungkol sa isang babaeng may Alzheimer’s Disease na hindi iniwanan ng kanyang asawa.

At inaasahang mabibigyan nina Alden at Bea ng hustisya ang mga karakter na gagampanan nila.

Ang box-office success ng A Moment to Remember noong 2004 ang diumano’y naging inspirasyon ng apat na pelikula at isang television series na tungkol din sa babae na may Alzheimer’s Disease ang plot.

Continue reading below ↓

Heto sila:

Indian movie na U Me Aur Hum (You, Me and Us, 2008)

U ME AUR HUM (YOU, ME AND US, 2008)

Evim Sensin (You Are My Home, 2012 ) ng Turkey

EVIM SENSIN (YOU ARE MY HOME, 2012)

Continue reading below ↓

Selagi Masih Ada (2012) ng Malaysia

SELAGI MASIH ADA (2012)

2018 Malaysian Tamil Film na Neeyim Naanum

NEEYIM NAANUM

Continue reading below ↓

2011 South Korean television series na A Thousand Days’ Promise

A Thousand Days Promise

Pure Soul

Para sa kaalaman ng lahat, hindi original South Korean film ang A Moment to Remember dahil halaw ang kuwento nito sa Pure Soul, a Japanese television drama series na may labindalawang episodes at ipinalabas sa YTV Japan mula April 9, 2001 hanggang June 25, 2001.

Continue reading below ↓

Pure Soul

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa March 14, 2021 na ang shooting day ng A Moment to Remember nina Alden Richards (R) at Bea Alonzo (2nd from R). Philippine adaptation ito ng South Korean blockbuster film nina Son Ye-jin (2nd from L) at Jung Woo-sung (L).
PHOTO/S: Movie poster; Head and Shoulders
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results