Gina Pareño, TikTok ang naging panlaban para di mabaliw dahil sa pandemic

by Jojo Gabinete
Feb 22, 2021
Gina Pareño: "Nabaliw ako last year kasi hindi ako nakakaarte, so nag-TikTok ako. Nakakaarte ako sa kuwarto ko, sa bahay, e, di nakaraos ako, hindi na ako baliw ngayon."
PHOTO/S: Viva Films / @ginapareno on TikTok

Napaiyak ang veteran actress na si Gina Pareño sa virtual presscon ng Tililing dahil sa mga papuri sa kanya ng direktor na si Darryl Yap.

Pumatak ang luha mula sa mga mata ni Gina dahil sa sinabi ni Yap na ang mga katulad niya na isang mahusay na aktres ang dapat binibigyan ng pagpapahalaga sa entertainment industry.

Nang tanungin naman kung may nagawa siyang kabaliwan sa buhay niya tulad ng kanyang role sa Tililing, ito ang sagot ni Gina:

“I don’t think na may nagawa akong kabaliwan sa buhay ko. Hindi ako nababaliw sa pag-ibig.

"Dahil mahal kita, walang baliw ‘yon. Talagang honestly mahal kita."

Pero ang "pagkabaliw" na naranasan niya noong nakaraang taon dahil sa coronavirus pandemic ang ibinahagi ni Gina.

Ang pagiging senior citizen ng veteran actress ang naging hadlang kaya hindi siya nakagawa ng mga pelikula at TV series noong 2020.

Gina joins TikTok

Nanibago nang husto si Gina na nasanay nang umaarte sa halos araw-araw bago nagkaroon ng pandemya, pero nag-iba ang takbo ng kanyang buhay nang matuklasan niya ang mundo ng TikTok.

Continue reading below ↓

"Nabaliw ako last year kasi hindi ako nakakaarte, so nag-TikTok ako.

"Nakakaarte ako sa kuwarto ko, sa bahay, e, di nakaraos ako, hindi na ako baliw ngayon.

"Nakaka-communicate ako sa kanilang lahat [her followers niya] kaya masarap sa pakiramdam yun. At least, nakakaarte ka," sabi ni Gina.

Isa si Gina sa mga senior citizen na aktibo sa TikTok.

Nagbunga ito nang maganda at nakatulong sa pagkabagot na nararamdaman niya dahil meron na siyang 1.6 million followers at three million accumulated views sa kanyang dalawang TikTok entries.

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gina Pareño: "Nabaliw ako last year kasi hindi ako nakakaarte, so nag-TikTok ako. Nakakaarte ako sa kuwarto ko, sa bahay, e, di nakaraos ako, hindi na ako baliw ngayon."
PHOTO/S: Viva Films / @ginapareno on TikTok
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results