Candy Pangilinan, nirerespeto ang opinyon ng mga umalma sa poster ng Tililing

by Jojo Gabinete
5 days ago
Candy Pangilinan: "We’re not perfect, lahat tayo may pagkukulang, lahat tayo may kanya-kanyang tililing, di ba? Lahat tayo minsan nagbe-burst out. Lahat tayo minsan ay napapatid din, napapagod."
PHOTO/S: @candypangilinan on Instagram / Viva Films

Ang pagiging psychology student at mental health advocate ni Liza Soberano ang ginamit na dahilan ng kanyang supporters para i-justify ang pag-alma ng aktres laban sa controversial poster ng Tililing.

Pero tila nakalimutan nilang mental health advocate din ang isa sa mga bida ng pelikula na si Candy Pangilinan.

Kung may showbiz personality mang may karapatang magsalita at may sapat na karanasan tungkol sa mental health issues, ito ay walang iba kundi si Candy.

Ang kanyang teenage son na si Quentin ay may autism o "differently abled" at tulad ng comedienne ay mental health advocate din.

Continue reading below ↓

Nang kondenahin ng ilan ang poster ng Tililing, walang reaksiyong narinig mula kay Candy dahil, ayon sa kanya, pinili niyang igalang ang opinyon ng mga kritiko ng kanilang pelikula.

“Hindi po ako nag-react talaga kasi that was a poster at hindi nila naiintindihan yung ibig sabihin ng poster na ‘yon,” pahayag ni Candy sa digital media conference ng Tililing.

“Sabihin na nating nirespeto ko rin po ang kanilang mga reaksiyon dahil ‘yon po ang gusto nilang sabihin.

"But at the same time, nagkaroon ako ng feeling na, 'So, naapektuhan kayong lahat sa term na tililing. Naintindihan ninyo na masakit din na tinatawag or dyina-judge ng mga tao.'

"It’s the same, let us not judge each other kasi lahat naman tayo, we’re not perfect.

"We’re not perfect, lahat tayo may pagkukulang, lahat tayo may kanya-kanyang tililing, di ba?

"Lahat tayo minsan nagbe-burst out. Lahat tayo minsan ay napapatid din, napapagod.

"So, wala akong reaksiyon na masasabi kung violent o ano.

Continue reading below ↓

"Walang ganoon kasi hindi naman nila alam ang buong konstekto ng pelikula para i-judge yung lumabas na ‘yon."

Candy Pangilinan on her "Tililing" Role

May nakahanda ring sagot si Candy nang tanungin tungkol sa mga paghahanda niya para sa kanyang role sa Tililing na tungkol sa pag-intindi at pagmamahal sa mga taong may mental health issues ang kuwento.

"I think that is the best preparation, yung malaman natin saan ba papunta ito.

"Kasi yung mismong title na Tililing, alam mong marami ang magre-react, maraming magagalit, ano ba ang gusto nating iparating? Meron ba tayong magandang mensahe na gustong iparating?

"I think yung buhay ko naka-prepare na para mag-alaga, di ba, because I have a child who’s differently abled," sabi ni Candy.

Walang nakitang mali si Candy nang tanggapin niya ang project na binigyan ng malisya ng ibang mga tao, base lamang sa poster na kanilang nakita at kahit hindi pa napapanood ang pelikula na ipalalabas pa lamang sa mga sinehan at sa VivaMax sa March 5, 2021.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Candy Pangilinan: "We’re not perfect, lahat tayo may pagkukulang, lahat tayo may kanya-kanyang tililing, di ba? Lahat tayo minsan nagbe-burst out. Lahat tayo minsan ay napapatid din, napapagod."
PHOTO/S: @candypangilinan on Instagram / Viva Films
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results