Diego Loyzaga, nagpakulot ng buhok para sa role niya sa Encounter

by Jojo Gabinete
Feb 23, 2021
Diego Loyzaga will reprise the role of Park Bo-gum in the Philippine adaptation of the hit Korean drama series Encounter. Diego will be paired with Cristine Reyes, who will play the role originally portrayed by Song Hye-kyo.
PHOTO/S: @diegoloyzaga on Instagram / @tv5 on Instagram

Kahit lumabas na sa PEP.ph noong February 3, 2021 ang report na sina Cristine Reyes at Diego Loyzaga ang lead stars sa Philippine adaptation ng South Korean drama series na Encounter, nag-release pa rin ang TV5 ng teaser ad tungkol sa bagong television program nila.

"Padating na ang Philippine adaptation ng sikat na K-drama na Encounter dito sa TV5. Sino kaya ang magiging Song Hye-kyo at Park Bo-gum ng ‘Pinas?" caption ng Kapatid Network sa litrato ng aktor at aktres na nakatalikod sa harap ng kamera.

Nakalagay sa teaser ad ng TV5 na abangan sa March 20 ang grand reveal at pagsisimula ng Pinoy version ng Encounter, na sikat na drama series sa South Korea na napanood sa tvN mula November 28, 2018 hanggang January 24, 2019.

Continue reading below ↓

Si Jeffrey Jeturian ang direktor ng Encounter na co-production venture ng Viva Television at Cignal Entertainment.

Ang Ilocos Norte ang location ng lock-in taping ng cast at production staff ng Encounter.

Diego and Cristine characters

Sina Diego at Cristine ang magbibigay-buhay sa mga karakter na pinasikat nina Song Hye-kyo at Park Bo-gum.

Sumailalim si Diego sa reinvention para sa role niya sa Encounter dahil nagpakulot siya ng buhok, at makikita ito sa kanyang Instagram post noong nakaraang linggo.

Continue reading below ↓

Nagmistulang Koreano si Diego sa new look niya, pero hindi maipagkakailang anak siya ni Cesar Montano dahil magkamukhang-magkamukha sila ng kanyang ama.

Hindi man nagbigay ng hint si Diego, nahulaan ng kanyang fans at followers na para sa Encounter ang transformation niya.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Diego Loyzaga will reprise the role of Park Bo-gum in the Philippine adaptation of the hit Korean drama series Encounter. Diego will be paired with Cristine Reyes, who will play the role originally portrayed by Song Hye-kyo.
PHOTO/S: @diegoloyzaga on Instagram / @tv5 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results