MMDA Asec. Celine Pialago, ikinagulat ang mga mensaheng natanggap tungkol sa heart attack ni Doris Bigornia

by Jojo Gabinete
Feb 24, 2021
MMDA Assistant Secretary Celine Pialago (left) on ABS-CBN broadcaster Doris Bigornia's (right) condition: "Bagamat may pagkakaiba ang bawat tao at merong ding hindi pagkakaunawaan, hindi kahit kailanman magiging tama ang maghangad ng ikakasama ng ating kapwa."
PHOTO/S: @celinepialago on Instagram / Screen grab from YouTube

Nagulat si MMDA Assistant Secretary at Spokesperson Celine Pialago sa mga mensaheng natatanggap niya mula sa netizens tungkol sa kalagayan ng ABS-CBN News reporter na si Doris Bigornia.

Inatake sa puso si Doris at nakatakdang sumailalim sa open-heart surgery sa isang ospital sa Alabang, Muntinlupa City.

May mga mensaheng dahil sa nangyari kay Doris, parang nakaganti na rin daw si Pialago sa "bullying" na naranasan niya noon mula sa 58-year-old news reporter.

May mga nagtatanong din kung masaya na siya.

Hiningi ng Cabinet Files ang reaksyon ni Pialago sa mga unsavory comment ng netizens na ipinadadala sa kanya.

Nilinaw niyang wala sa puso at isip niyang makaganti. Hangad din daw niyang gumaling agad ang ABS-CBN news reporter na kasama sa kanyang mga panalangin.

Pahayag ng MMDA official, "Bagamat may pagkakaiba ang bawat tao at merong ding hindi pagkakaunawaan, hindi kahit kailanman magiging tama ang maghangad ng ikakasama ng ating kapwa.

"Kaya ni Miss Doris ‘yan, alam kong makaka-recover din siya kaagad.

"See you soonest, Ma’am. Get well soon. Our prayers are with you."

Kung may mga negative comment man, bumuhos din ang mga dasal para sa succesfull heart bypass procedure kay Doris.

HOT STORIES

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
MMDA Assistant Secretary Celine Pialago (left) on ABS-CBN broadcaster Doris Bigornia's (right) condition: "Bagamat may pagkakaiba ang bawat tao at merong ding hindi pagkakaunawaan, hindi kahit kailanman magiging tama ang maghangad ng ikakasama ng ating kapwa."
PHOTO/S: @celinepialago on Instagram / Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results