Watch Now

Maja Salvador, mananatiling Kapatid; katambal si Empoy Marquez sa teleserye ng TV5

by Jojo Gabinete
Feb 24, 2021
Maja Salvador and Empoy Marquez will star in a TV series to be aired on TV5.
PHOTO/S: @majasalvador on Instagram / @empoymarquez on Instagram

Magpapatuloy ang pagiging "Kapatid" ni Maja Salvador dahil sa TV series na pagbibidahan nila ni Empoy Marquez sa TV5.

Namataan nitong Miyerkules ng hapon, February 24, ang team ni Maja na nakikipag-usap sa mga executive ng Cignal TV at TV5 para sa project ng aktres na may working title na Niño Niña.

Si Empoy ang unang nagbalita noon sa kanyang vlog tungkol sa TV series na pagsasamahan nila ni Maja.

"Meron po ako ngayon na magla-lock-in kami ng shoot ni Maja Salvador, marami pang ibang mga artista.

"Yung title, working pa yung title under TV5. Sana po abangan niyo po ‘yan.

"Sana po makapagpasaya sa inyo ‘yan, yung teleserye na gagawin po namin," sabi ni Empoy.

Kumpirmasyon itong hindi lilipat si Maja sa ibang TV network dahil mananatili muna siya sa TV5 pagkatapos sibakin sa ere noong January 17 ang Sunday Noontime Live, ang Sunday noontime musical-variety show nila nina Piolo Pascual at Catriona Gray.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Komedyante" ang image ni Maja sa Sunday Noontime Live dahil sa mga hirit niya sa kanyang mga co-host at sa mga guest ng programa, kaya ganito rin ang inaasahan na role ng aktres sa TV series nila ni Empoy sa Kapatid Network.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maja Salvador and Empoy Marquez will star in a TV series to be aired on TV5.
PHOTO/S: @majasalvador on Instagram / @empoymarquez on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results