Lian Paz, engaged na sa kanyang partner na si John Cabahug

by Jojo Gabinete
Feb 25, 2021
Sa kanilang 8th anniversary bilang couple, nag-propose ng kasal ang negosyanteng si John Cabahug sa dating EB Babes member na si Lian Paz. Naganap ang proposal sa Crimson Mactan Resort, Mactan, Cebu, noong February 23, 2021.
PHOTO/S: @liankatrina on Instagram

Engaged na ang aktres at former EB Babes member na si Lian Paz sa kanyang live-in partner na si John Cabahug.

Naganap ang kanilang engagement sa Crimson Mactan Resort, Mactan, Cebu, noong February 23, 2021.

Ipinagdiriwang ng dalawa ang kanilang girlfriend-boyfriend relationship tuwing February 23. Walong taon na ang kanilang relasyon.

Pero noong Martes, kakaiba ang regalong natanggap ni Lian mula kay John—ang singsing na simbolo ng wedding proposal.

Lian Paz, John Cabahug engagement

Continue reading below ↓

Lahad ni Lian sa Cabinet Files, “Sa totoo lang po, I wasn’t expecting that John will propose.

"Truth is, without me knowing, ang mga anak namin ang isa-isa na tinanong niya.

"His daughter first, then Xonia and Xalene. He asked all of them if okay lang ba sa kanila that he will ask me to marry him.

"Lahat ng mga anak namin sobrang saya and excited for it. Nagplano pala sila on our anniversary."

Apat ang anak na babae nina John at Lian—si Maria Alexandra na anak ni John sa dating karelasyon, sina Xonia at Xalene na mga anak ni Lian kay Paolo Contis, at si Niña Alexandra, ang five-year-old daughter nila—na excited sa pagpapakasal ng kanilang mga magulang.

Cebu-based sina Lian at John.

Ngunit hindi pa mangyayari sa lalong madaling panahon ang kanilang pag-iisang dibdib dahil hindi pa annulled ang 2009 marriage Lian sa kanyang estranged husband na si Paolo Contis.

Continue reading below ↓

Naka-file sa Maynila ang annulment ng kasal nina Paolo at Lian na naghihintay pa ng resolusyon. Kaya ni minsan, hindi inisip ni Lian na aalukin siya ng kasal ni John.

Saad ng dating actress-dancer, "Alam naman nating hindi pa tapos yung annulment ko kaya never pumasok sa isip ko na mangyayari ang proposal.

"But John, being positive about it, said, ‘What is delayed is not denied. Let’s wait for it together.’

“Yes, we are going to wait together.”

Naghihintay rin si Lian sa pagdating ng araw na magiging legal wife na siya ni John.

Walong taon na ang relasyon nina Lian at John, pero matagal na silang magkakilala. Schoolmates sila sa isang paaralan sa Cebu noong Grade 6 at 1st year high school sila.

Muling nagkrus ang kanilang mga landas nang magwakas ang relasyon ni Lian kay Paolo.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa kanilang 8th anniversary bilang couple, nag-propose ng kasal ang negosyanteng si John Cabahug sa dating EB Babes member na si Lian Paz. Naganap ang proposal sa Crimson Mactan Resort, Mactan, Cebu, noong February 23, 2021.
PHOTO/S: @liankatrina on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results