Watch Now

Kissing scene nina Jerome Ponce at Teejay Marquez, pinagpaalam sa DOH

by Jojo Gabinete
Feb 26, 2021
Ben X Jim na pinagbibidahan nina Jerome Ponce at Teejay Marquez, kinilala ng isang award-giving body sa Chicago.
PHOTO/S: @mrjeromeponce / @teejaymarquez Instagram

May dahilan para maging masaya ang cast ng B X J Forever dahil ito ang most viewed title sa streaming service na UPSTREAM.ph para sa buwan ng February 2021.

Ang naitalang record ng Season 2 ng Ben X Jim ang validation na marami ang sumusubaybay sa Boys Love series ng Regal Entertainment, Inc.

Pinagbibidahan ito nina Teejay Marquez at Jerome Ponce, na nanalo ng acting awards noong December 2020 para sa kanilang mga pagganap.

Sina Teejay at Jerome ang mga pinarangalang best actors, at ang co-star nilang si Kat Galang ang hinirang na best supporting actress ng The Asian Gigster (TAG) Awards Chicago.

Ayon kay Jerome, isa itong malaking sorpresa sa kanila.

"Hindi ko ine-expect na may mga makaka-appreciate na tao not just here sa bansa natin but sa Chicago.

"Very thankful din ako kasi ultimo yung buong show itself, Ben X Jim, talagang na-appreciate nila, what more yung characters namin. So, I’m very, very thankful," saad ni Jerome nang mapag-usapan ang parangal na natanggap nila ni Teejay mula sa TAG Awards Chicago.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kilala sa pagiging mahusay na character actress si Kat, pero higit na napansin ang acting ability niya sa Ben X Jim kaya nagpapasalamat siya dahil sa biyayang ipinagkaloob sa kanya.

Saad niya, "Unexpected. Very grateful ako especially sa nagpadala po ng award kasi whenever I do character roles, hindi ko naman siya ine-expect na mapapansin.

"I just do my work so it’s a blessing somehow na na-acknowledge po yung performance ko."

Jerome-Teejay Kissing Scene

Natawa naman si Jerome sa obserbasyon na award-winning din ang kissing scene nila ni Teejay sa B X J Forever na inihingi pa ng permiso mula sa Department of Health.

Kuwento ng director na si Easy Ferrer: "Alam naman natin na pandemic times, napakahirap talagang mag-mount ng intimate scenes kasi, unang-una, against sa IATF protocols ang mga ganoon.

"So we were finding ways on how to actually give the audience what they wanted without sacrificing or hindi namin nako-compromise yung production."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mabuti na lang daw at pumayag ang DOH.

Dagdag ni Ferrer: "So, ang ginawa ko, itinuloy ko siya. Ipinakita ko kung ano yung hinahanap nila, ibinigay namin.

"Binigyan kami ng permit ng DOH.

"Siyempre, may mga health protocols kaming finollow."

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ben X Jim na pinagbibidahan nina Jerome Ponce at Teejay Marquez, kinilala ng isang award-giving body sa Chicago.
PHOTO/S: @mrjeromeponce / @teejaymarquez Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results