Game shows nina Billy Crawford at Xian Lim sa TV5, magsisimula na sa Marso

by Jojo Gabinete
Feb 26, 2021
Billy Crawford (left) is the host of The Wall and Xian Lim (right) is the host of 1000 Heartbeats Pintig Pinoy. Both game shows will air on TV5 this March.
PHOTO/S: TV5

Dalawang bagong game shows ng TV5 ang magkasunod na linggo na mapapanood—ang The Wall at ang 1000 Heartbeats: Pintig Pinoy.

Si Billy Crawford ang host ng The Wall, na mapapanood simula sa March 13.

Ang The Wall ang ikatlong programa ni Billy sa Kapatid Network.

Siya ang host ng unang season ng Masked Singer Pilipinas, na magkakaroon ng second season sa September 2021, at main host ng Lunch Out Loud, ang noontime program ng TV5.

Isang milyong piso ang pinakamataas na premyo sa The Wall Philippines, isang popular game show ng NBC USA at nag-umpisa noong December 2016.

Tatlumpo na ang bilang ng international version (Brazil, Canada, France, Germany, Israel, Italy, etc.) ng The Wall, at ang Pilipinas ang pinakabagong franchisee.

Nakatakda naman sa March 21 ang airing sa TV5 ng premiere episode ng 1000 Heartbeats: Pintig Pinoy.

Si Xian Lim ang host ng programa, at makakasama niya sa show ang comedian na si Chad Kinis.

Continue reading below ↓

Ang 1000 Heartbeats ang unang project ni Xian bilang game show host at pinabilib niya ang production staff, pati na ang creative director na si Willy Cuevas.

"We’re asked to tape two seasons already! What a welcome development!

"Cheers to the 1000 Heartbeats Pintig Pinoy team led by our astig director Bobet Vidanes.

"Here with Xian Lim na magaling pala mag-host at magpatawa," papuri ni Willy para kay Xian, na ganadong-ganado at inspiradong-inspirado sa kanyang bagong career bilang emcee ng 1000 Heartbeats.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Billy Crawford (left) is the host of The Wall and Xian Lim (right) is the host of 1000 Heartbeats Pintig Pinoy. Both game shows will air on TV5 this March.
PHOTO/S: TV5
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results