Sharon Cuneta sa mga artistang nagpapabayad para mag-post ng fake news: "Oh my God, ikinahihiya ko sila!"

by Jojo Gabinete
Feb 28, 2021
Sharon Cuneta: "Alam ko mahirap ang buhay, pero when does it stop? When does the moral high ground come in? Do you even have it? Do you even know it? Kasi di hamak na mas rerespetuhin ko ang isang totoong tao na tapat sa ginagawa kesa dun sa pasimple kang nagpapabayad para mag-spread ka ng peke."
PHOTO/S: @sharoncuneta on Instagram

Naganap ang story conference ng Revirginized, ang homecoming movie ni Sharon Cuneta sa Viva Films, ngayong Linggo ng gabi, February 28.

Kasama niyang humarap sa entertainment press via Zoom si Rosanna Roces at ang direktor ng pelikula na si Darryl Yap.

Magsisimula bukas, March 1, sa isang beach resort sa Subic, Zambales ang shooting ng Revirginized—na may original title na MILF.

Si Darryl ang nagsabing "sanitized" ang pamagat na Revirginized.

Tungkol ito kay Carmela, ang babaeng nagdadalaga dahil maagang nagkaroon ng anak (16 years old) at nakipaghiwalay sa kanyang asawa na unang boyfriend niya.

Ang pagdalo ni Carmela at ng kanyang kaibigan, na gagampanan ni Rosanna, sa isang wild beach party na magpapabago sa takbo ng buhay niya ang isa sa mga highlight ng kuwento ng Revirginized.

Kontrobersiyal at malakas ang shock value ng mga pelikulang ginawa ni Darryl.

Kaya ang reaksiyon ng asawa ni Sharon na si Senator Kiko Pangilinan tungkol sa bagong movie project niya ang itinanong sa Megastar sa naganap na story conference.

Continue reading below ↓

Ayon kay Sharon, kagabi lamang, February 27, nagtanong si Kiko tungkol sa Revirginized.

Tawa nang tawang kuwento ni Sharon, “Well, kapag nanood siya, pwedeng magulat siya 'tapos sasabihin na lang niya sa akin, tsk…

“Kiko’s very supportive… sobra. Lahat ng gawin ko, kahit nga yung mga ka-love team ko, e, mga ex ko, di ba?

"Parang kahit may love scenes, parang okey lang sa kanya.

"Feeling niya, e, 'Nung pinakasalan kita, trabaho mo na ‘yan, e.'

"Parang ako, wala na akong pakialam sa trabaho niya. Hahaha!

"Gusto ko lang gumanda yung bansa dahil tapat sa serbisyo at tapat ang puso ng asawa ko kaya nagsu-shooting pa ako hanggang ngayon dahil hindi nagnanakaw, e. Hahaha! Hindi namomorsiyento, e...

"Seriously, he’s very understanding and supportive. I’m very blessed to have a husband like him."

CELEBRITIES AND FAKE NEWS

Naging seryoso ang takbo ng story conference ng Revirginized nang hingin ang opinyon ni Sharon tungkol sa pagbubunyag ng isang news organization na may social media influencers at celebrities na nagpapabayad umano para magkalat ng fake news.

Continue reading below ↓

"Oh my God, ikinahihiya ko sila!" bulalas niya.

"Kasi kunyari pag artista ka, nung kalakasan ko noong araw, may tatakbo kunyari na presidente, o-offer-an ka nang milyun-milyon para sila endorsohin mo.

"Never ako nagpabayad. Lagi akong... I rather go with this one kahit matalo kasi yung prinsipyo or whatever my beliefs were pumapantay.

"Parang sa endorsements, this is a well-known fact in the advertising industry. You can talk to anybody in any advertising company…

"Sa dami ng endorsement offers na tinanggihan ko over the decades, dahil ang feeling ko, babayaran nga ako pero yung produkto, parang palpak ‘to or yung serbisyong ‘to, hindi ko malunok."

Iginiit ni Sharon na hindi matatanggap ng konsensiya niya ang mag-endorso ng mga produktong ikadidismaya ng kanyang mga supporter at ikasisira ng tiwala sa kredibilidad na matagal niyang binuo.

"Kung pinatulan ko lahat ng endorsements na ‘yon, siguro doble na yung naipon ko sa ipon ko ngayon.

Continue reading below ↓

"It’s the same thing with me, ang feeling ko, kung sa fake news…

"Alam ko mahirap ang buhay, pero when does it stop? When does the moral high ground come in? Do you even have it? Do you even know it?

"Kasi di hamak na mas rerespetuhin ko ang isang totoong tao na tapat sa ginagawa kesa dun sa pasimple kang nagpapabayad para mag-spread ka ng peke.

"Ginagamit mo yung impluwensiya mo sa maling paraan para kumita."

Diin pa ni Sharon: "It’s despicable to me. It’s unacceptable to me.

"Ikinahihiya ko na sabihing kasama ko sila sa industriya."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sharon Cuneta: "Alam ko mahirap ang buhay, pero when does it stop? When does the moral high ground come in? Do you even have it? Do you even know it? Kasi di hamak na mas rerespetuhin ko ang isang totoong tao na tapat sa ginagawa kesa dun sa pasimple kang nagpapabayad para mag-spread ka ng peke."
PHOTO/S: @sharoncuneta on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results