Sharon Cuneta, iyak nang iyak nang mabalitaan ang pagkamatay ng fashion designer na si Rocky Gathercole

by Jojo Gabinete
Mar 3, 2021
Natigil ang shooting ng pelikulang Revirginized sa Subic ngayong March 3 dahil hindi mapigilan ni Sharon Cuneta ang mapaiyak nang mabalitaan ang pagkamatay ng fashion designer na si Rocky Gathercole.
PHOTO/S: @sharoncuneta on Instagram / Rocky Gathercole Facebook

Nahinto ang shooting ng Revirginized sa Subic, Zambales nitong Miyerkules ng gabi, March 3, dahil iyak nang iyak si Sharon Cuneta nang malaman nitong sumakabilang-buhay ang Filipino international fashion designer na si Rocky Gathercole.

Ang Revirginized ang homecoming movie ni Sharon sa kanyang former mother studio na Viva Films.

Nagsimula ang shooting niya para sa bagong proyekto ng direktor na si Darryl Yap sa Subic noong Lunes, March 1.

Rocky-Sharon friendship

Isa si Rocky sa mga fashion designer na malapit sa puso ni Sharon.

Naapektuhan nang husto ang Megastar nang makarating sa kanya ang balitang natagpuang unresponsive ang 54-year-old fashion designer sa second floor comfort room ng bahay nito sa Samar Avenue, Diliman, Quezon City.

Vocal si Rocky sa pagsasabing fan siya ni Sharon.

Ang 1986 hit song nitong "Pangarap Na Bituin" ang kanyang paborito at “ theme song” noong homeless pa lamang siya at pakalat-kalat sa Maynila.

Si Sharon ang special performer sa Rock the Runway, ang benefit fashion show ni Rocky para sa Bantay Bata ng ABS-CBN Foundation noong August 12, 2017.

Continue reading below ↓

Hinarana ni Sharon si Rocky, na nangilid ang luha nang awitin ng kanyang idolo ang "Pangarap Na Bituin."

Masama ang pakiramdam ni Rocky nang gabing iyon kaya nakaupo siya sa wheelchair nang dumalo sa kanyang benefit fashion show na ginanap sa Philippine International Convention Center, Pasay City.

Si Rocky ang isa sa mga nagbihis kay Sharon sa My 40 Years, ang 40th anniversary concert ni Sharon bilang entertainer, na idinaos sa Smart Araneta Coliseum noong September 28, 2018.

Maligayang-maligaya noon si Rocky dahil natupad ang pangarap nitong makilala, maging kaibigan at maging bahagi ng buhay niya ang aktres na kanyang iniidolo.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Natigil ang shooting ng pelikulang Revirginized sa Subic ngayong March 3 dahil hindi mapigilan ni Sharon Cuneta ang mapaiyak nang mabalitaan ang pagkamatay ng fashion designer na si Rocky Gathercole.
PHOTO/S: @sharoncuneta on Instagram / Rocky Gathercole Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results