Prime time shows ng Kapamilya network, mapapanood na rin sa TV5

by Jojo Gabinete
Mar 5, 2021
Kasunod ng ASAP Natin 'To, malapit na ring mapanood sa TV5 ang Kapamilya prime-time shows na Ang Probinsyano ni Coco Martin, Ang Sa Iyo Ay Akin ni Jodi Sta. Maria, at Walang Hanggang Paalam ni Angelica Panganiban.
PHOTO/S: Courtesy of ABS-CBN

Ang big announcement ng TV5 management tungkol sa mga bagong programang mapapanood sa Kapatid Network ang hinihintay ngayong hapon, March 5.

Pero nauna nang magbalita si Cristy Fermin sa show nito sa Radyo Singko 92.3 na simula sa darating na Lunes, March 8, matutunghayan na rin sa TV5 ang mga prime-time program ng ABS-CBN.

Kabilang dito ang Ang Probinsyano, Ang Sa Iyo Ay Akin, Walang Hanggang Paalam, at Pinoy Big Brother Connect.

Kinumpirma ng isang TV5 insider sa Cabinet Files na totoong mapapanood na sa TV5 ang mga programa ng ABS-CBN, pero hinihintay pa nila ang official statement mula kay TV5 President Robert Galang.

Sa mga programa naman ng TV5, tanging ang Paano ang Pangako? ng IdeaFirst Company at Cignal Entertainment ang patuloy na mapapanood sa primetime slot ng TV5 dahil sa mataas na ratings ng programa.

Ang Sunday noontime musical-variety show na ASAP Natin ‘To ang show ng ABS-CBN na unang napanood sa TV5 noong January 24.

Continue reading below ↓

Dahil sa partnership ng TV5 at ABS-CBN, hindi na nakapagtatakang bukod sa Kapamilya Channel at A2Z, ihahatid na rin ng Kapatid Network sa viewers nila ang apat na primetime shows ng Kapamilya station.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kasunod ng ASAP Natin 'To, malapit na ring mapanood sa TV5 ang Kapamilya prime-time shows na Ang Probinsyano ni Coco Martin, Ang Sa Iyo Ay Akin ni Jodi Sta. Maria, at Walang Hanggang Paalam ni Angelica Panganiban.
PHOTO/S: Courtesy of ABS-CBN
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results