Mikael Daez, may update sa nire-renovate na bahay nila ni Megan Young sa Subic

by Jojo Gabinete
Mar 5, 2021
Mikael Daez at Megan Young, ine-enjoy ang buhay mag-asawa sa pamamagitan ng pamamasyal sa iba-ibang probinsya. "We were in Palawan, a week ago or two weeks ago for quite a while, around five days," ani Mikael.
PHOTO/S: @mikaeldaez Instagram

Nagplano sina Mikael Daez, 33, at Megan Young, 31, na manirahan sa Subic, Zambales.

Kaya ang pamumuhay nila sa probinsya ang isa sa mga kinumusta sa aktor sa virtual mediacon para sa Love of My Life ng GMA-7 na naganap nitong Biyernes ng tanghali, March 5.

Nilinaw ni Mikael na hindi pa nila nararanasan ni Megan ang buhay probinsya dahil bukod sa may commitments pa sila sa Metro Manila, ipinapaayos pa ang kanilang lumang bahay sa Subic.

"Ang buhay-probinsya is not being experienced just yet.

"Megan and I have a place in Subic now that we’ve been going to once a week, at least or once every two weeks, depende kung may work or wala.

"We’re fixing it up pa, e. Inaayos namin.

"We got a very old house there, but we’re happy with that kasi we can renovate to make it our own," paliwanag ni Mikael.

TRAVELLING IN THE PHILIPPINES

Kuwento pa ni Mikael, nae-enjoy nila ni Megan ang buhay mag-asawa dahil malaya silang nakakapunta sa iba-ibang lugar sa bansa.

Continue reading below ↓

"But we have been travelling. We were in Palawan, a week ago or two weeks ago for quite a while, around five days.

"And then we’ve gone to provinces for around five to seven days.

"And I like it. Enjoy siya.

"It’s a very different lifestyle, pero work is here in Metro Manila. So you’ll still see us here a lot."

Narito ang litrato ng mag-asawa nang magbakasyon sila sa El Nido, Palawan:

Continue reading below ↓

MIKAEL ON WHAT HE THINKS ABOUT LOCK-IN TAPINGS

Hindi lamang ang pagbabakasyon sa iba’t ibang lugar ang kinagigiliwan ni Mikael dahil nagustuhan din nito ang sistema ng lock-in taping nila para sa Love of My Life sa Tagaytay City.

"Kung pwede nga lang ilagay sa contract ko na lock-in taping na lang ako at hindi yung dating taping, gagawin ko ‘yon, kasi it just fits.

"Nagkataon lang na nobody expect this to happen, nobody knew lock-in taping was going even to become a thing.

"It works out for me and Megan kasi we’re able to travel a bit more often.

"It’s a bit easier to plan. We were able to adjust actually,” ani Mikael.

Labis ding nagpapasalamat ang Kapuso actor sa mainit na pagtanggap ng publiko sa Love of My Life.

Pwede itong magkaroon ng Season 2 o gawing pelikula dahil sa mga positive feedback na natatanggap ng buong cast mula sa viewers ng kanilang programa.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mikael Daez at Megan Young, ine-enjoy ang buhay mag-asawa sa pamamagitan ng pamamasyal sa iba-ibang probinsya. "We were in Palawan, a week ago or two weeks ago for quite a while, around five days," ani Mikael.
PHOTO/S: @mikaeldaez Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results