Janno Gibbs at Kitkat, makakabalik sa Happy Time kung...

by Jojo Gabinete
Mar 6, 2021
Isa lang ang kundisyon na ibinigay ng Net25 para makabalik sina Janno Gibbs at Kitkat sa Happy Time.
PHOTO/S: @jannolategibbs @favkitkat on Instagram

Malaki ang tsansa nina Janno Gibbs at Kitkat na makabalik bilang mga host ng noontime show na Happy Time.

Isa lang kasi ang kundisyon na ibinigay sa dalawa ng Net25 management—ang magkasundo sila pagkatapos ng kanilang alitan na nangyari sa taping nila noong February 18, 2021.

May nakapagsabi sa Cabinet Files na payag si Janno na makipagbati kay Kitkat at kalimutan ang hidwaan nila, pero tila hindi pa handa ang huli na makipagkasundo dahil walang sagot ang kanyang kampo sa ginagawa na pakikipag-ugnayan ng singer-actor.

Parehong nawala sina Janno at Kitkat sa Happy Time dahil sa mga social media post nila noong February 23, 2021 matapos ang kanilang paghaharap at pag-uusap sa meeting na ipinatawag ng Net25 management.

Sina Boobsie, CJ Hirro, at Mico Aytona ang mga co-host muna ni Anjo Yllana sa Happy Time, habang hindi pa nalulutas ang problema sa pagitan nina Janno at Kitkat.

Halos walong araw pa lang na nawawala si Janno sa noontime show ng Net25 pero miss na miss na siya ng viewers ng Happy Time at ng followers ng kanyang portion, ang "Janno Gives."

Continue reading below ↓

From somebody in the know, handa si Janno na makipagkasundo kay Kitkat at kalimutan ang kanilang alitan.

Kaya nagsusumikap singer-actor na magkaayos sila ng comedienne-TV host sa pamamagitan ng manager nito pero hindi pa siya nakakatanggap ng sagot mula sa kabilang panig.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Isa lang ang kundisyon na ibinigay ng Net25 para makabalik sina Janno Gibbs at Kitkat sa Happy Time.
PHOTO/S: @jannolategibbs @favkitkat on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results