Dog trainer ng aso ni Sarah Geronimo sa Unforgettable, nangangailangan ng tulong

by Jojo Gabinete
Mar 6, 2021
Daryl Tristan Huertas with Kim Molina and Sarah Geronimo and Milo.
Milyong piso ang gastos na bubunuin ng dog trainer na si Daryl Tristan Huertas (may kargang aso) dahil sa kanyang heart by-pass operation. Si Huertas ang trainer ng wonder dog na si Milo (karga ni Huertas) na nakasama sa pelikula nina Sarah Geronimo (pink blouse) at Kim Molina (multicolored dress) sa pelikulang Unforgettable.
PHOTO/S: Daryl Tristan Huertas Facebook

Ang tulungan ang dog trainer at whisperer na si Daryl Tristan Huertas na nangangailangan ng financial help ang panawagan sa lahat ng aktres at Born to be A Star host na si Kim Molina.

Nakatrabaho ni Kim si Huertas sa Unforgettable, ang 2019 movie na pinagbidahan ni Sarah Geronimo.

Si Huertas ang may-ari at trainer ni Milo, ang Jack Russell wonder dog na gumanap na “Happy” at malaki ang participation sa Unforgettable.

Sumailalim si Huertas sa open heart surgery noong March 2 at malaking halaga ang kailangan kaya umiiyak siya na humingi ng tulong mula sa mga tao na may mabubuting kalooban.

Lumuluha na sinabi ni Huertas na nais pa nito na mabuhay nang matagal at inaalaala rin niya ang kanyang mga alagang aso.

Continue reading below ↓

Kim asks for help

Ang nakakaantig-damdaming apela ni Huertas ang nag-udyok kay Kim na manawagan para matulungan ang amo ni Milo.

Maraming beses nang ginamit si Milo sa mga pelikula, television series at binigyan ng special feature ni Jessica Soho sa Kapuso Mo Jessica Soho noong September 2016.

“Hello mga mahal. Naaalaala n’yo ba yung movie namin ni Ate Sarah Geronimo na Unforgettable? ’Yung may kasama kaming dog na si Milo "Happy"?

“Milo's owner and trainer had by-pass operation at humihingi sa atin ng tulong. Kulang na rin kasi panggastos sa gamot at lahat.

“Hindi man ganu’n kalaki ang kinaya kong ibigay at alam kong hindi lahat sa atin dito ay may extra, sa mga may kaya pong mag-share, tulungan natin si Kuya Tristan. Also please pray for his fast recovery. Maraming salamat,” ang pakiusap ni Kim.

facebook

Thirty-one years-old si Huertas, naninirahan sa Antipolo City at isang single parent.

Ang pagtuturo sa mga aso ang ikinabubuhay ni Huertas hanggang dumating ang mabigat na pagsubok sa kanyang kalusugan.

Nagkaroon ng bara ang ugat sa puso niya.

Nagpapasalamat si Huertas sa Diyos dahil sa pangalawang buhay na ipinagkaloob sa kanya pero kailangan niya ng malaking halaga para pambayad sa hospital expenses.

Daryl Tristan Huertas and Milo praying.

Continue reading below ↓

"Sa totoo lang po nahihiya po talaga ako dahil ayoko po humingi ng tulong hangga’t maaari dahil, kinamulatan ko na po ang pagtulong sa kapwa ko.

“Nagkataon lang po talaga na milyon po ang kailangan po namin mabayaran dito sa ospital at sobrang nalulungkot ako dahil bilang isang single dad, gusto ko malaman ng anak ko na kaya kong tuparin ang mga pangarap namin ng ako lang... hindi ko pa po pala kaya.

“Sorry talaga guys, naghahagilap po talaga kami ng panggastos para dito. Maraming salamat po sa lahat ng nagdo-donate at magdo-donate pa, pagpalain po kayo ng Panginoon,” ang mensahe ni Huertas.

Nangako naman si Huertas na babawi siya sa mga nakatulong sa kanya sa ibang pagkakataon, kapag magaling na siya.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Milyong piso ang gastos na bubunuin ng dog trainer na si Daryl Tristan Huertas (may kargang aso) dahil sa kanyang heart by-pass operation. Si Huertas ang trainer ng wonder dog na si Milo (karga ni Huertas) na nakasama sa pelikula nina Sarah Geronimo (pink blouse) at Kim Molina (multicolored dress) sa pelikulang Unforgettable.
PHOTO/S: Daryl Tristan Huertas Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results