Pinoy version ng My Sassy Girl, biggest break ni Pepe Herrera

by Jojo Gabinete
Mar 6, 2021
Toni Gonzaga, Fifth Solomon, and Pepe Herrera.
Bida sa Pinoy version ng hit South Korean movie na My Sassy Girl sina Toni Gonzaga (kaliwa) at Pepe Herrera (kanan). Mula ito sa direksyon ng actor-director na si Fifth Solomon (gitna).
PHOTO/S: Fifth Solomon's Facebook

Excited na ang fans ng South Korean movie na My Sassy Girl na mapanood ang Philippine adaptation na tinatampukan nina Toni Gonzaga at Pepe Herrera, at mula sa direksyon ng actor-director na si Fifth Solomon.

Fifth Solomon, Toni Gonzaga, Pepe Herrera in My Sassy Girl PH adaptation

Una, gusto nilang makita kung papaano ginampanan nina Toni at Pepe ang mga karakter na pinasikat noon ng Korean stars na sina Jun Ji-hyun at Cha Tae-hyun.

Continue reading below ↓

Pangalawa, interesado sila na malaman ang mga pagbabago na ginawa sa kuwento ng My Sassy Girl para bumagay ito sa panlasa ng Filipino audience.

Pangatlo, blockbuster ang My Sassy Girl nang magbukas ito sa mga sinehan sa South Korea noong July 27, 2001 at ngayong 2021, gugunitain ng fans ang 20th anniversary ng pelikula.

Kaya para sa kanila, fitting tribute ang pagkakaroon ng Pinoy version na hinihintay na lamang ang playdate.

Ang My Sassy Girl ang highest-grossing comedy of all time sa kasaysayan ng South Korean film industry at ikinukumpara ang tagumpay nito sa Titanic, ang 1997 epic movie nina Kate Winslet at Leonardo DiCaprio.

Ang pelikula nina Toni at Pepe ang pang-anim na film adaptation ng My Sassy Girl dahil meron na itong American, Indian, Chinese, Lithuanian, at Nepali versions.

Ang My Sassy Girl ang biggest movie break ni Pepe dahil siya ang leading man ni Toni.

Ang TinCan, ang production outfit ni Toni ang producer ng My Sassy Girl.

Continue reading below ↓

Hindi lamang si Toni ang producer at bida ng proyekto dahil isa rin siya sa mga sumulat ng script ng pelikula.

"I Believe" ang pamagat ng theme song ng My Sassy Girl at big hit din noon ang kanta na inawit ng Korean singer na si Shin Seung-hun.

Noong 2006, ni-record ni Jimmy Bondoc ang Tagalog version ng "I Believe" at ito ang pinaniniwalaan na ginamit na official soundtrack ng 2021 Pinoy version ng My Sassy Girl.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bida sa Pinoy version ng hit South Korean movie na My Sassy Girl sina Toni Gonzaga (kaliwa) at Pepe Herrera (kanan). Mula ito sa direksyon ng actor-director na si Fifth Solomon (gitna).
PHOTO/S: Fifth Solomon's Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results