Phoebe Walker, nasaktan ng isang sikat na aktres

by Jojo Gabinete
Mar 6, 2021
Nung bit player pa lang si Phoebe Walker, nagkaroon siya ng hindi magandang karanasan sa pakikipagtrabaho sa isang sikat na aktres.
PHOTO/S: Instagram

Lately, ang kawalan ng respeto at hindi pamamansin sa kanila ng mga baguhang artista ang nababasa at nababalitaan natin na reklamo ng mga veteran star.

Pero may mga kaso na ang mga dati nang artista ang “nang-iisnab" sa mga newcomer na pinili na lamang na manahimik bilang paggalang sa mga nakatatanda at sa mga nauna sa kanila na pumasok sa show business.

Isa si Phoebe Walker sa mga nakaranas ng pagtataray mula sa isang sikat na aktres at nangyari ito noong bitplayer pa siya sa pelikula.

"I won’t mention who she is po kasi this was a long time ago and extra pa talaga ako noon sa movies,” ang sabi ni Phoebe nang tanungin siya ng Cabinet Files tungkol sa naging karanasan niya noon.

“I was introduced to her and tiningnan lang niya ako from head to foot, twice kasi twice ako na-introduce sa kanya on separate occasions.

“Then when I had a scene with her (background ako at the time), in her process of getting angry for the scene, she accidentally hit me sa forearm.

Continue reading below ↓

“Nagulat ako dahil akala ko magso-sorry siya pero hindi. After the scene, she stormed off lang.

“I mean, hindi siguro maiwasan sometimes out of frustration and pagod nila pero tumatak sa akin yan kahit matagal na, and no hard feelings. I’m all good.”

Si Phoebe ang itinanghal na best supporting actress sa 42nd Metro Manila Film Festival noong December 29, 2016 para sa supernatural horror thriller movie na Seklusyon.

Mula nang kilalanin noong 2016 ang husay niya sa pag-arte, nagbago at naging maayos na ang trato kay Phoebe ng aktres na hindi pumapansin sa kanya.

Gaya ng sinabi ni Phoebe, hindi siya nagtanim ng sama ng loob laban sa aktres pero nakatatak sa isip niya ang nangyari.

Mas mahalaga kay Phoebe ang pagbutihin ang acting ability niya dahil sa mga papuri na kanyang natatanggap sa performance niya sa VivaMax digital series na Parang Kayo Pero Hindi.

Si Phoebe ang love interest ni Xian Lim sa Parang Kayo Pero Hindi at marami ang bumilib sa husay na kanyang ipinamalas dahil sa kanyang sensitive but powerful portrayal sa karakter ni Emily.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nung bit player pa lang si Phoebe Walker, nagkaroon siya ng hindi magandang karanasan sa pakikipagtrabaho sa isang sikat na aktres.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results