"Ang lakas ni Cardo, aabot hanggang Singko!" Tuloy pa rin talaga ang FPJ's Ang Probinsyano

by Jojo Gabinete
Mar 7, 2021
Nakakapanibago na makita sina Coco Martin at iba pang Kapamilya na nag-iimbita sa viewers na manood ng kani-kanilang programa sa TV5.
PHOTO/S: Ang Probinsyano (ABS-CBN)

Mag-uumpisa bukas, March 8, ang airing sa TV5 ng apat na primetime bida shows ng ABS-CBN.

Ito ang paulit-ulit na paalaala ng mga host sa live broadcast ngayong tanghali ng ASAP Natin ‘To.

Wala sa live telecast ng Sunday musical variety show ang cast ng FPJ's Ang Probinsyano, Ang Sa Iyo ay Akin, Walang Hanggang Paalam, at Pinoy Big Brother: Connect.

Pero inaanyayahan nila ang viewers na suportahan ang kanilang mga programa na ipalalabas sa TV5 sa pamamagitan ng mga videotaped message.

FPJ's Ang Probinsyano on tv5

May mga nakaramdam ng paninibago dahil hindi sila sanay na napapanood si Coco Martin at ang ibang mga artista ng ABS-CBN na nag-iimbita na panoorin sa TV5 ang kanilang mga programa.

“Humanda na bukas dahil ang lakas ni Cardo, aabot na hanggang Singko!" ang voice over ni Robi Domingo tungkol sa airing ng Ang Probinsyano sa Kapatid Network.

Samantalang hindi nakaligtaan ni Coco na isama sa kanyang imbitasyon ang A2Z dahil ipinalalabas din dito ang Ang Probinsyano.

Continue reading below ↓

“Mga Kapamilya, mga Ka-A2Z at mga Kapatid, maraming-maraming salamat po sa higit limang taon na pagsuporta at pagmamahal ninyo sa FPJ’s Ang Probinsyano.

“Kayo po ang dahilan kung bakit lalo pa po naming pinagbubuti ang aming trabaho at dahil dun, mas marami pa po kaming sorpresa sa inyo.”

Ito ang mensahe ni Coco na isang pruweba na hindi pa magwawakas ang kanyang show na nag-umpisa noong September 28, 2015.

Popular sa masang Pilipino ang programa ni Coco at ang kanyang Cardo character na itinuturing na imortal at ikinukumpara sa pusa na sinasabing may siyam na buhay.

Dahil nakakaligtas siya mula sa kamay at bangis ng kanyang mga kaaway.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nakakapanibago na makita sina Coco Martin at iba pang Kapamilya na nag-iimbita sa viewers na manood ng kani-kanilang programa sa TV5.
PHOTO/S: Ang Probinsyano (ABS-CBN)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results