Diego Loyzaga, sinubukang gayahin si Park Bo Gum para sa Encounter

by Jojo Gabinete
Mar 8, 2021
Diego Loyzaga (left) reprises the role played by Park Bo Gum (right) in the Philippine adaptation of the hit Korean drama series Encounter.

Sa digital presscon ng Encounter na naganap ngayong Lunes ng hapon, March 8, muling tinanong si Diego Loyzaga tungkol sa dahilan ng biglaang pagpapahinga niya sa entertainment industry noong 2019.

Nagpasalamat si Diego sa tanong na sinagot nito agad.

Pero hindi na siya nagbigay ng ibang rason, maliban sa kailangan niya ng pahinga.

Pahayag niya, "I took a break a well-needed break.

"May kasabihang if you’re having… if it’s too much, it’s always better to take a break than force it.

"And I can say that it was long enough and I’m ready to work again. And I am here, I am working, so it’s glad to be back.

“It’s as simple as it is, I just really needed to take a break, reflect on what I want to do, in five years, in ten years…

“What career path I want to take. I wanted to go back to studies, stuff like that, so it was just time to reflect.”

Continue reading below ↓

ENCOUNTER PHILIPPINE VERSION

Sina Diego at Cristine Reyes ang lead stars ng Philippine adaptation ng popular South Korean drama series na pinagbidahan noon nina Park Bo Gum at Song Hye Kyo.

Co-production venture ng Sari-Sari, Cignal Entertainment at Viva Television ang Encounter at mapapanood ito sa TV5 simula sa March 20, 2021.

Hindi ipinagkaila ni Diego sa Encounter mediacon na sinubukan niyang gayahin si Park Bo Gum.

“I tried copying the original one and hindi ako kasing-guwapo niya. Ang guwapo talaga ni Park Bo Gum and iba yung charm niya,” sabi niya.

Naranasan ba niya sa set ng Encounter ang sinasabi ni Cristine na kamalditahan nito noon?

“No, hindi talaga. She was nice from Day 1,” sagot ni Diego.

Itinuturing ni Diego na dalawa sa pinakamalaking encounter sa kanyang buhay ang araw na nagtagpo sila ng ama niyang si Cesar Montano noong maliit na bata pa siya at nang makilala niya ang kanyang girlfriend na si Barbie Imperial.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Diego Loyzaga (left) reprises the role played by Park Bo Gum (right) in the Philippine adaptation of the hit Korean drama series Encounter.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results