Cristine Reyes, ibinahagi ang mga pinagdaraanan bilang single parent

by Jojo Gabinete
Mar 8, 2021
Cristine Reyes: "When I had Amarah, she changed my life. And then, when I became a single mom, I had to work harder and I know I had to change."
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

Nanggaling kay Cristine Reyes ang mga salitang "very maldita" siya noon kaya nasabi niyang si Diego Loyzaga ang kanyang unang on screen partner na "very nice" siya.

Ang mga nakakatrabaho ni Cristine ang nagkukuwentong napansin nila ang malaking pagbabago sa ugali ng aktres mula nang isilang nito noong February 2015 ang kanyang anak na si Amarah.

Napuna naman ng entertainment writers na hindi na umiiwas si Cristine sa mga tanong sa kanyang matapat na sinasagot niya.

Ang pagiging totoo ni Cristine ang naramdaman at naranasan ng mga tumutok sa Monday afternoon, March 8, digital presscon ng TV5 para sa Philippine adaptation ng Encounter, na tinatampukan nina Cristine at Diego.

Posible bang magustuhan niya si Diego kung napaaga ang pagtatagpo nila?

"Knowing me, once I get to know the person if there was a chance na nakilala ko siya and I get that vibe, I get that spark, I’m sure, I would," sagot ni Cristine.

Continue reading below ↓

Dati-rati, nagdadalawang-isip ang entertainment writers na magtanong kay Cristine tungkol sa estado ng love life nito dahil sa takot na baka matarayan sila.

on being a single parent

Pero sa virtual mediacon ng Encounter, ang aktres ang paulit-ulit na nagsabing single parent siya sa kasalukuyan.

Ibig sabihin, hiwalay na sila ng kanyang asawa na si Ali Khatibi.

"Before pa po nagkaroon ng pandemic, I had to work na right away, so yun ang mas mahirap.

"Kasi yun ang time na bagong panganak pa lang ako kay Amarah and I got separated from her, when she was only four months old. 'Yan yung devastated ako.

"Natuto na rin ako to live with it ‘coz I cannot do anything about it. I’m a working mom, I’m a single working mom.

"And also before the pandemic happened, I got to work abroad for the movie Untrue tapos threes weeks, so wala pang pandemic noon," pahayag ni Cristine tungkol sa mga lock-in taping niya kaya hindi maiwasang mawalay siya nang matagal sa kanyang anak na si Amarah.

Continue reading below ↓

Nang tanungin kung ano ang itinuturing niyang biggest encounter sa kanyang buhay, muling binanggit ni Cristine na single mother siya.

"When I had Amarah, she changed my life.

"And then, when I became a single mom, I had to work harder and I know I had to change," sabi niya.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cristine Reyes: "When I had Amarah, she changed my life. And then, when I became a single mom, I had to work harder and I know I had to change."
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results