Yumaong aktor na si Eddie Garcia, bibigyang pugay sa docu film na Manoy

by Jojo Gabinete
Mar 10, 2021
Ipalalabas ang documentary movie na "Manoy, Isang Pagsaludo kay Eddie Garcia" sa VivaMax sa March 19.
PHOTO/S: Facebook, mubi.com, scene from Hintayan Sa Langit

Sa May 2 pa gugunitain ang 92nd birth anniversary legendary actor na si Eddie Garcia, pero mauuna nang ipalabas sa VivaMax sa March 19 ang documentary movie na Manoy, Isang Pagsaludo kay Eddie Garcia.

Ang Manoy ay concept ng award-winning filmmaker na si Jon Red, na siya ring editor ng well-researched documentary movie tungkol kay Eddie.

Well-researched dahil sa mga film clip at collector’s item posters ng mga lumang pelikula ni Eddie na ginamit ni Red sa Manoy.

May mga panayam din sa multi-awarded personalities na sina Christopher de Leon, Sharon Cuneta, Phillip Salvador, at Joel Lamangan na pawang nakatrabaho ng veteran actor noong nabubuhay pa ito.

Maririnig at mapapanood sa Manoy ang boses ng anak ni Eddie na si Erwin.

Ang Manoy ay makabuluhang pagpupugay at napakagandang parangal para sa aktor, na nanilbihan muna sa Philippine Scouts ng US Army nang matapos ang World War II bago siya naging artista sa 1949 movie na Siete Infantes De Lara.

Continue reading below ↓

Taong 1949 din nang pakasalan ni Eddie ang kanyang asawang si Lucilla Scharnberg.

Eddie Garcia, wife Lucilla Scharnberg

Mula sa direksiyon ng actor-director na si Manuel Conde ang Siete Infantes De Lara. Si Conde ang mentor ni Eddie, na sinundan din ang kanyang mga yapak bilang artista at direktor.

Ang Karugtong ng Kahapon ang directorial debut ni Eddie. Sina Mario Montenegro, Rita Gomez, Ric Rodrigo, at Marlene Dauden ang mga artista niya sa pelikula ng Sampaguita Pictures noong 1961.

Continue reading below ↓

Tinanggap ni Eddie ang kanyang unang best director award mula sa FAMAS noong 1969 para sa Pinagbuklod ng Langit, ang biographical film nina former President Ferdinand Marcos at ex-First Lady Imelda Marcos, na ginampanan nina Luis Gonzales at Gloria Romero, respectively.

"Si Eddie Garcia kapag dumating sa set, isa lang ang makikita sa kanya agad— rerespetuhin mo siya dahil he’s Eddie Garcia," pahayag ni Phillip Salvador sa Manoy.

Napaluha naman si Sharon Cuneta habang nagkukuwento tungkol kay Eddie, na maraming beses niyang nakasama sa pelikula bilang aktor at direktor.

Sinabi ni Sharon na masakit na masakit ang kanyang kalooban at galit na galit siya nang malaman niya ang balita tungkol sa pagpanaw ni Eddie.

Nagbalik-tanaw naman si Joel Lamangan tungkol sa unang pagkakataong nakatrabaho niya si Eddie sa Deathrow, ang 2000 movie ng GMA Films na pinagbidahan nina Eddie at Cogie Domingo.

Ikinuwento ni Direk Joel na binago niya sa Deathrow ang “Manoy na Manoy” na akting ni Eddie, na ikinatuwa at pinahalagahan niya.

Continue reading below ↓

Para kay Christopher de Leon, mahirap makalimutan ang mga bonding moment nila ni Eddie at ang mga biro nitong tunay na nakakatawa.

Pumanaw si Eddie noong June 20, 2019.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ipalalabas ang documentary movie na "Manoy, Isang Pagsaludo kay Eddie Garcia" sa VivaMax sa March 19.
PHOTO/S: Facebook, mubi.com, scene from Hintayan Sa Langit
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results