Vickie Rushton, hindi na tuloy ang paglahok sa Binibining Pilipinas 2021?

by Jojo Gabinete
Mar 11, 2021
May kinalaman kaya ang edad ni Vickie Rushton kaya hindi na matutuloy ang pagiging kandidata niya sa Binibining Pilipinas 2021? Sa May 8 ay ipagdiriwang niya ang kanyang 29th birthday.
PHOTO/S: @vickierushton on Instagram

Wala si Vickie Rushton sa pictorial ng official candidates ng Binibining Pilipinas 2021.

Para sa kanyang mga supporter, ito ang kumpirmasyong hindi na matutuloy ang pagsali niya sa national beauty pageant.

Hindi pa naglalabas ng opisyal na pahayag ang Binibining Pilipinas Charities Inc. (BPCI), ang organizer ng Binibining Pilipinas, tungkol sa isyu.

Tahimik din si Vickie kaya naghihintay ng sagot ang supporters ng aktres.

Tanging si Vickie lamang ang makapagsasabi kung totoong may kinalaman ang kanyang edad sa desisyon niyang talikuran ang paglahok sa Binibining Pilipinas 2021.

Ipagdiriwang ni Vickie sa May 8 ang kanyang 29th birthday, at lampas na ito sa age requirement para sa mga kandidata ng mga international beauty pageant tulad ng Miss International.

Malaki ang panghihinayang ng mga naniniwala sa kakayahan ni Vickie dahil kumbinsido silang malaki na ang tsansa niyang manalo ng Binibining Pilipinas beauty title at maging kinatawan ng ating bansa sa international beauty contest.

Continue reading below ↓

Hindi baguhan si Vickie sa pagsali sa mga beauty pageant dahil siya ang nanalong Mutya ng Pilipinas-International noong 2011.

Nagkaroon ng delay sa schedule ng Mutya ng Pilipinas coronation na idinaos noong December 2, 2011, kaya si Kathleen Anne Po at hindi si Vickie ang ipinadala sa Miss Intercontinental na ginanap noong October 7, 2011 sa Alicante, Spain.

Makalipas ang pitong taon, sinubukan ni Vickie ang kapalaran niya sa Binibining Pilipinas, pero first runner-up lamang siya sa 55th edition noong 2018.

Nang sumunod na taon, 2019, muling sumali si Vickie sa 56th edition ng Binibining Pilipinas. Sa kasamaang-palad, hindi siya nagkaroon ng puwesto dahil hindi pumasa sa mga hurado ang sagot niya sa question-and-answer segment.

Sa pangatlong pagkakataon, kandidata uli si Vickie sa 57th edition ng Binibining Pilipinas noong 2020.

Twenty-seven years old pa lamang siya nang makapasa sa screening, pero nakansela ang pageant dahil sa coronavirus pandemic.

Marahil, hindi talaga tadhana ni Vickie na makalahok sa mga international beauty contest dahil ang edad na niya ang kanyang naging mahigpit na kalaban.

Hindi lamang ang pagkawala ni Vickie ang mga pagbabago sa Binibining Pilipinas 2021 dahil, diumano, mula sa tatlumpo’t walong (38) opisyal na kandidata, 34 na lamang ang bilang ng mga kalahok.

Reportedly, may bago nang petsa ang coronation night na hindi umano matutuloy sa April 17. Pero hinihintay ang official statement ng BPCI para sa kumpirmasyon.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
May kinalaman kaya ang edad ni Vickie Rushton kaya hindi na matutuloy ang pagiging kandidata niya sa Binibining Pilipinas 2021? Sa May 8 ay ipagdiriwang niya ang kanyang 29th birthday.
PHOTO/S: @vickierushton on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results