Coco Martin-Angelica Panganiban movie Love or Money ginastusan ng ABS-CBN films

by Jojo Gabinete
Mar 14, 2021
Makaka-relate ang South-Korean movie fans sa Love or Money movie nina Coco Martin at Angelica Panganiban.
PHOTO/S: Star Cinema

March 12 ang premiere streaming sa ktx.ph ng Love or Money, ang unang pagtatambal nina Coco Martin at Angelica Panganiban sa pelikula.

Sinuportahan ng talent manager na si Shirley Kuan ang premiere ng Love or Money dahil binigyan niya ng complimentary voucher ang mga gustong manood sa exclusive streaming service ng ABS-CBN.

Si Kuan ang exclusive agent sa mga product endorsements ni Coco.

Originally, official entry ang Love or Money sa unang Metro Manila Summer Film Festival, na dapat sana ay nangyari noong April 11 to April 21, 2021.

Pero hindi ito natuloy dahil sa coronavirus pandemic.

At dahil sarado pa ang mga sinehan, nagpasya ang ABS-CBN Film Productions executive na ipalabas sa ktx.ph ang Love or Money na mabibili ang tickets sa halagang PHP250, pero may special offer na PHP200 para sa early birds.

Isang romantic drama comedy movie ang Love or Money na ginastusan ng ABS-CBN Film Productions Inc. dahil kinunan sa Dubai ang kabuuan ng proyekto.

Continue reading below ↓

Hindi nagtipid sa budget ang mga producer dahil bukod kina Coco at Angelica, dinala nila rin sa Dubai ang supporting cast, kahit puwedeng dayain sa Pilipinas ang ilang mga eksena.

Lumipad at nag-shooting sa Dubai ang mga artista bago nagkaroon ng coronavirus pandemic kaya malaya nilang napuntahan ang magagandang lugar sa popular na siyudad ng United Arab Emirates.

"Roller coaster of emotions" ang mararamdaman ng mga nagbabalak na manood ng Love or Money dahil sa comedy, dramatic at action scenes.

Makaka-relate sa kuwento ng Coco-Angelica starrer ang mga mahihilig sa Korean movies at television series dahil sa mga twist sa kuwento ng pelikula.

Waiter ang role ni Coco at events organizer na mistress ng isang mayaman na foreigner ang karakter ni Angelica sa pelikulang tumatalakay rin sa buhay at mga karanasan ng mga Pilipino na nagtatrabaho sa ibang bansa.

Pero tulad ng ibang mga pelikula, predictable ang final scene ng Love or Money dahil kailangan ng happy ending at it’s a must na magkatuluyan ang mga karakter na binigyang-buhay nina Coco at Angelica bilang Leon at Angel, respectively.

Continue reading below ↓
We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Makaka-relate ang South-Korean movie fans sa Love or Money movie nina Coco Martin at Angelica Panganiban.
PHOTO/S: Star Cinema
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results