Watch Now

Ang Probinsyano at Huwag Kang Mangamba mapapanood na rin sa WeTV iflix

by Jojo Gabinete
Mar 17, 2021
Simula sa March 20, mapapanood na rin sa WeTV iflix ang dalawang Primetime Bida programs ng Kapamilya network—ang FPJ's Ang Probinsyano (kaliwa) at Huwag Kang Mangamba (kanan).
PHOTO/S: Courtesy of ABS-CBN

Naganap ang virtual launch ng multi-year landmark partnership ng ABS-CBN at ng streaming platform na WeTV iflix ngayong Miyerkules ng gabi, March 17.

Simula sa March 20, mapapanood na rin sa WeTV iflix ang dalawang Primetime Bida programs ng Kapamilya network—ang FPJ's Ang Probinsyano at Huwag Kang Mangamba.

Ang Ang Probinsyano ang longest-running action-drama series ni Coco Martin.

Mga bida naman sa Huwag Kang Mangamba sina Andrea Brillantes, Francine Diaz, Kyle Echarri, at Seth Fedelin.

Mag-uumpisa sa April 17 ang WeTV iflix streaming ng Init sa Magdamag, ang romance drama series na pinagbibidahan nina Gerald Anderson, Yam Concepcion, at JM de Guzman.

Mabibigyan ng pagkakataon ang WeTV iflix VIP subscribers na maunang mapanood ang new episodes, fifty hours o mahigit sa dalawang araw, bago ang regular broadcast sa free TV (Kapamilya Channel, TV5 at A2Z) ng mga nasabing programa.

ABS-CBN, WeTV iflix partnership

Si Coco ang special guest sa announcement ng ABS-CBN at WeTV iflix partnership kanina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tuwang-tuwa si Coco sa pagsasanib-puwersa ng ABS-CBN at WeTV iflix dahil mas marami ang makakapanood sa buong mundo ng Ang Probinsyano at ng ibang mga Primetime Bida shows ng kanyang home network.

Pahayag niya, “Sobrang saya kasi halos dinadasal lahat siguro ng mga taga-ABS CBN ngayon na dahan-dahan at muli tayong makabangon.

“Maipalabas uli ang mga pinaghihirapan naming mga teleserye, pelikula. Kasi, like kunyari, ang ABS-CBN, kung anuman ang nangyari—may pandemya man, nawalan man tayo ng prangkisa—hindi huminto, e.

“Kumbaga, patuloy pa rin tayong lumalaban kasi hindi lang para po sa atin itong ginagawa natin, para sa lahat ng mga empleyado ng ABS-CBN.

“Ginagawa natin ito para sa pagseserbisyo natin sa lahat ng mga Pilipino kaya nga looking forward ako na may bagong soap opera na naman na lalabas, yung Huwag Kang Mangamba, tapos yung Init sa Magdamag na alam ko na lahat pinaghihirapan, tinututukan.

"Mas lalong pinagbubuti, hindi tayo nagpapapigil kahit na may pandemya sa buong kapaligiran natin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Tuloy ang trabaho para mapaligaya natin ang lahat ng mga tao, especially mga Pilipino na naghihirap at nagiging kaligayahan nila sa gabi-gabi na makapagbigay sa kanila ng inspirasyon kaya laban lang, tulong-tulong lang at huwag susuko para sa lahat ng Pilipino!”

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Simula sa March 20, mapapanood na rin sa WeTV iflix ang dalawang Primetime Bida programs ng Kapamilya network—ang FPJ's Ang Probinsyano (kaliwa) at Huwag Kang Mangamba (kanan).
PHOTO/S: Courtesy of ABS-CBN
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results