Vancouver-based Pinay, nagtagumpay ang pang-i-stalk sa Korean superstar na si Lee Min-ho

by Jojo Gabinete
Mar 18, 2021
Ibinahagi ng Vancouver-based Pinay na si Telly Acuba (kaliwa) ang kanyang karanasan sa pagpunta sa location shooting ng drana series ni Lee Min-ho (kanan) sa pag-asang masilayan ang Korean superstar. Si Telly ay kaibigan ng mga aktres na sina Lorna Tolentino, Amy Austria, Sandy Andolong, at direktor na si Laurice Guillen.
PHOTO/S: Courtesy of Telly Acuba

Walang tatalo sa abilidad ng mga Pilipinong naninirahan sa ibang bansa kapag gusto nilang makita nang personal ang mga international star na kanilang hinahangaan dahil nakagagawa sila ng paraan.

Ganito ang nangyari kay Telly Acuba, ang Vancouver-based friend ng mga aktres na sina Lorna Tolentino, Amy Austria, Sandy Andolong, at direktor na si Laurice Guillen.

Noong naninirahan pa si Telly sa Pilipinas, sanay siyang makihalubilo sa mga showbiz personality kaya ordinaryo na lang sa kanyang makasama sa mga pagtitipon ang mga sikat na Filipino actors.

Pero lumitaw ang pagiging fan ni Telly nang maimpluwensiyahan siya ng kanyang anak na si Sharon sa panonood ng Korean movies at drama series.

Dalawang araw siyang naging stalker ng Korean superstar na si Lee Min-ho, ang lead actor ng Pachinko, ang international drama series project ng Apple TV.

Nagsimula noong October 26, 2020 ang shooting ng Pachinko sa South Korea.

Noong February 25, dumating si Lee Min-ho sa Vancouver dahil dito kukunan ang maraming eksena ng kanyang bagong project.

Continue reading below ↓

Nang malaman ni Telly ang pagdating ni Lee Min Ho, nakipag-ugnayan agad siya sa kanyang Korean acupuncturist para malaman niya ang kinaroroonan ng sikat na Korean actor.

Kuwento ni Telly sa Cabinet Files ngayong Huwebes ng umaga, March 18, “Tinanong ko sa Korean acupuncturist ko, 'Where will I find Lee Min-ho?' Sabi niya, ‘I will email you.’

“May Facebook group kasi ang Koreans sa Vancouver dahil naghahanap sila ng Korean extras para sa drama series.

“Nag-email siya sa akin ng location ng shooting sa downtown at sa Brittania Shipyards [Richmond, British Columbia] na ten minutes away lang sa bahay namin.

"Para siyang Pier 39. Nandoon yung Fisherman’s Wharf, nandoon din yung mga Japanese heritage, luma talaga ‘yon. Doon nag-settle noon ang mga Japanese."

Pinuntahan ni Telly noong Lunes, March 15, ang Brittania Shipyards, baon ang pag-asang makikita niya nang personal si Lee Min-ho. Pero hindi siya nagtagumpay.

"Hindi mahigpit sa set dahil nakapag-picture pa ako. Yung isang crew member, tinanong ko siya, 'Is Lee Min-ho here today?'

Continue reading below ↓

“Sabi niya, ‘Yeah, but he left already.’

"'When is he coming back?'

"Kinuha ng crew member ang schedule, sabi niya, 'He will be here all day tomorrow.'

"Tapos yung security guard sa trailer, kinausap din namin ng anak ko na si Sharon. Ang sabi ng security guard, ‘A lot of people were coming here because of him.’

“Sabi niya, ‘You come back tomorrow. He will be here.’

“Mababait sila, sinasabi nila yung schedule. Itinuro pa niya sa amin ang lugar na pinupuntahan ng fans para mas madaling makita si Lee Min-Ho.

"Yung Brittania Shipyards kasi, park ‘yon at tourist spot. Bawal sila magtaboy ng mga tao," sabi ni Telly.

THE SECOND ATTEMPT

Dahil bigo sa unang attempt nilang masilayan si Lee Min-ho, kinabukasan, March 16, bumalik sa set ng Pachinko ang mag-inang Telly at Sharon, kasama ang kanilang mga kaibigan.

Sa pagkakataong ito, nagtagumpay ang paghahanap nila sa popular Korean actor.

Continue reading below ↓

Lahad ni Telly, "Noong Tuesday, konti pa lang kami. Puro mga Pilipino kami dahil umaga ‘yon.

"Pero noong hapon, marami na ang tao. Naghigpit na ang security dahil nawawalan ng social distancing.

"Tuwang-tuwa ako nang makita ko si Lee Min-ho. Sabi ko talaga, 'Lee Min-Ho Saranghaeyo!'

"Very appreciative siya, lumingon at tumawa siya. Nang una naman siyang makita ng anak ko sa trailer niya, nag-hi siya.

"Ang maganda rito, kahit fan ka, hindi ka itataboy. Sisitahin ka lang kapag masyadong malapit!" natatawang pahayag ni Telly.

Telly Acuban snapshot of Lee Min Ho

Continue reading below ↓

Ayon kay Telly, ang kaibigan niya at award-winning actress at direktor na si Laurice Guillen ang isa sa mga masugid na tagahanga ni Lee Min-ho.

"Ang sabi nga ni Laurice Guillen, nang makita niya ang mga post ko, ‘Ay, kung nandiyan ako, sasama ako.’

“Si Laurice, sobrang fan ni Lee Min-ho, pati facemask niya, Lee Min-ho.”

Kinukunan sa Vancouver ang maraming eksena ng Pachinko kaya tatlong linggo pa ang pananatili ni Lee Min-ho sa nasabing lugar.

Plano ni Telly na muling i-stalk si Lee Min-ho kung malapit pa rin sa tahanan nila ang shooting ng Pachinko.

Ang Pachinko ay halaw sa libro ng Korean-American author na si Min Jin-lee at isa sa mga highly recommended book to read ni former U.S. President Barack Obama.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ibinahagi ng Vancouver-based Pinay na si Telly Acuba (kaliwa) ang kanyang karanasan sa pagpunta sa location shooting ng drana series ni Lee Min-ho (kanan) sa pag-asang masilayan ang Korean superstar. Si Telly ay kaibigan ng mga aktres na sina Lorna Tolentino, Amy Austria, Sandy Andolong, at direktor na si Laurice Guillen.
PHOTO/S: Courtesy of Telly Acuba
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results