Xian Lim, napiling gumanap bilang adult Mayor Isko Moreno sa Yorme: The Musical

by Jojo Gabinete
Mar 19, 2021
Ang aktor na si Xian Lim (kaliwa) ang napili upang gumanap bilang Mayor Isko Moreno (kanan) sa Yorme: The Musical, na tungkol sa buhay ng Manila mayor.
PHOTO/S: Twitter / Glenn Regondola

Si Xian Lim ang final choice bilang bida sa Yorme: The Musical, ang pelikula tungkol sa buhay ni Manila City Mayor Isko Moreno.

Nagsimula ang shooting ni Xian para sa bio-flick ni Mayor Isko kahapon, March 18.

Ang Yorme ay produksiyon ng Saranggola Media Productions at mula sa direksiyon ni Joven Tan.

Maliban sa kanyang Instagram post noong March 16 na “film to be announced,” hindi pa naglalabas ng official announcement tungkol sa participation niya sa pelikula.

IG comment: Xian Lim announces participation in Yorme The Musical

Continue reading below ↓

Ang talent ni Xian sa pagkanta ang isa sa mga pangunahing dahilan kaya siya ang pinili para magbida sa drama-musical movie na muling babalikan ang humble beginnings ni Isko hanggang mahalal itong alkalde ng Maynila.

Si McCoy de Leon ang young Isko, at si Xian ang gaganap na adult Isko sa movie.

Kailangang maipalabas ang Yorme sa mga sinehan o sa streaming platforms bago ang pagsusumite sa October 1, 2021 ng kandidatura ng mga nagbabalak tumakbo sa national at local elections sa May 9, 2021.

1000 HEARTBEATS

Hindi lamang ang shooting ng Yorme ang pinagkakaabalahan ni Xian dahil tuluy-tuloy ang taping niya para sa 1000 Heartbeats: Pintig Pinoy, ang game show ng TV5 na mapapanood simula bukas, March 20.

Kakaiba ang siglang nararamdaman ni Xian para sa 1000 Heartbeats dahil labintatlong taon na ang kanyang showbiz career, pero ngayon lamang siya nabigyan ng oportunidad maging game show host.

Bilib kay Xian ang production staff ng 1000 Heartbeats dahil nakita nila ang other side ng aktor bilang comedian na hindi nawawalan ng mga bagong joke na baon para sa viewers sa tuwing may taping sila.

Continue reading below ↓

Ang premiere ng 1000 Heartbeats ay bahagi ng Todo Max weekend offering ng TV5 at Viva Television.

Apat na magkakasunod na programa ang mapapanood sa TV5 sa Sabado, mula 6 p.m. hanggang 10 p.m.

Sisimulan ito ng The Wall, ang game show ni Billy Crawford; susundan ng talent search program na Born To Be A Star nina Kim Molina at Matteo Guidicelli; ang pilot telecast ng Philippine adaptation ng South Korean drama series na Encounter, na tinatampukan nina Cristine Reyes at Diego Loyzaga; at ang premiere ng 1000 Heartbeats: Pintig Pinoy.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang aktor na si Xian Lim (kaliwa) ang napili upang gumanap bilang Mayor Isko Moreno (kanan) sa Yorme: The Musical, na tungkol sa buhay ng Manila mayor.
PHOTO/S: Twitter / Glenn Regondola
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results