Cristine Reyes at Diego Loyzaga, pinatunayang may chemistry ang tambalan nila sa Encounter

by Jojo Gabinete
Mar 20, 2021
Pinatunayan nina Diego Loyzaga at Cristine Reyes na mali ang paniniwala ng ibang walang X factor ang kanilang tambalan sa Philippine version ng sikat na Korean drama series na Encounter.
PHOTO/S: Courtesy of Viva Television

Ang premiere ng Philippine adaptation ng Encounter ang isa sa apat na shows na kabilang sa TodoMax weekend offering ng TV5 ngayong Sabado ng gabi, March 20.

Tampok sa Encounter sina Cristine Reyes at Diego Loyzaga.

Nang ilabas ng Cabinet Files noong February 3, 2021 ang report tungkol sa Pinoy adaptation ng 2018 South Korean drama series na pinagbidahan nina Park Bo-gum at Song Hye-kyo, marami sa Filipino fans ng mga Koreanovela ang nagkomentong walang X factor ang tambalan nina Cristine at Diego.

Kung pinanood ng mga nagduda ang pilot episode ng Tagalog version ng Encounter, sila mismo ang magsasabi sa kanilang sarili na mali ang maagang paghuhusga at pagdududa.

Ito ay dahil malakas ang chemistry nina Diego at Cristine sa bawat eksena.

Si Jeffrey Jeturian ang direktor ng proyekto, at nagtagumpay siyang pakiligin ang manonood sa unang pagsasama nina Cristine at Diego sa TV series na joint venture ng TV5 at Viva Television.

Continue reading below ↓

Sa kuwento ng Encounter, mas malaki ang agwat ng edad (34) ng female lead sa kanyang leading man (25 years old).

Sa tunay na buhay, anim na taon lamang ang tanda ni Cristine kay Diego.

Mukhang bata si Cristine kaya parang magkaedad lamang sila ni Diego sa kanilang mga eksena.

Naging tapat sa Korean version ang Philippine adaptation dahil gaya ng kulay ng mga kasuotan nina Park Bo-gum at Song Hye-ko sa kanilang unang pagtatagpo, kulay pula ang damit ni Cristine at kulay puti rin ang polo ni Diego sa eksena ng pagkikita nila.

Kung may Korean perm ang buhok ni Park Bo-gum sa Encounter, hindi nagkakalayo ang hairstyle nila ni Diego.

Cristine Reyes and Diego Loyzaga in Encounter

Continue reading below ↓

Pinatunayan din ni Diego sa unang episode na bagay siya sa mga romantic lead role.

Kinunan sa Ilocos Norte ang mga eksena sa pilot episode ng Encounter pero hindi ito nagmistulang travelogue.

Nagawa ni Jeffrey na maging bahagi ng mga eksena ang magagandang lugar sa Ilocos Norte na dinarayo tulad ng windmills sa Bangui, ang 335-year-old San Agustin Church sa Paoay, at ang Fort Ilocandia Hotel na makakapagkumbinsi sa televiewers na puntahan ang mga nasabing tourist spot para hindi sila maging dayuhan sa sariling bayan.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pinatunayan nina Diego Loyzaga at Cristine Reyes na mali ang paniniwala ng ibang walang X factor ang kanilang tambalan sa Philippine version ng sikat na Korean drama series na Encounter.
PHOTO/S: Courtesy of Viva Television
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results