Roselle Monteverde, ibinahagi ang mga hamong kinahaharap ng Regal ngayong may pandemya

by Jojo Gabinete
Mar 26, 2021
Lady boss Roselle Monteverde (center), inihayag na ang Mga Kaibigan Ni Mama Susan ni Joshua Garcia (left) at Mommy Issues ni Pokwang (right) ang ilan sa upcoming films ng Regal Entertainment. "We try to make it work within the protocols that are set in our industry..."
PHOTO/S: Roselle Monteverde / Regal Entertainment Facebook

Guest si Regal Entertainment Inc. Chief Executive Officer Roselle Monteverde sa The Final Word ng CNN Philippines para sa Women’s History Month, na nag-umpisa noong March 1 at matatapos sa March 31, 2021.

Si Rico Hizon ang host ng The Final Word, at ang mga hamon sa paggawa ng pelikula sa panahon ng coronavirus ang isa sa mga itinanong niya kay Roselle.

"We try to make it work within the protocols that are set in our industry so because of this limitation, we tend to hold back productions that are bigger scale," bungad ni Roselle.

Ang malaking banta ng COVID-19 ang dahilan kaya sarado pa rin ang mga sinehan, pero tuloy ang mga movie at TV projects ng Regal.

The Final Word Interview: Rico Hizon with Regal Chief Executive Officer Roselle Monteverde

Continue reading below ↓

MOTHER LILY IS ROSELLE'S ROLE MODEL

Ang patuloy na pagpo-produce ng mga pelikula at TV series na nagbibigay ng trabaho sa mga manggagawa sa panahon ng mapanghamong coronavirus pandemic ang malaking kontribusyon ng Regal sa local entertainment industry.

Ang kanyang ina, ang Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde, ang may malaking impluwensiya kay Roselle kaya ipinagpapatuloy nito ang inumpisahan ng role model niya.

Sabi ni Roselle, "Definitely my number one role model is my mom.

"Growing up, I would see my mom really working and her passion for this industry is really significant.

"You would see that with the number of movies that she produced, it’s over a thousand in a span of over fifty years already.

"Her passion in this industry is so magnanimous. For myself, it’s really hard to achieve during these times especially now that we are in pandemic."

REGAL ENTERTAINMENT'S UPCOMING FILMS

Ibinahagi naman ni Roselle sa Cabinet Files ang listahan ng ilan sa mga proyekto ng Regal at ang mga pelikulang co-production venture nila sa Reality Entertainment Inc.

Continue reading below ↓

Ipinagmamalaki ni Roselle ang unang pelikula ni Joshua Garcia sa Regal, ang Mga Kaibigan Ni Mama Susan na inabutan ng pandemya ang shooting pero natapos nang walang aberya.

Si Chito Roño ang direktor ng Mga Kaibigan Ni Mama Susan, at sina Joshua at Angie Ferro ang kanyang mga artista.

Lead star naman ng Mommy Issues si Pokwang. Co-stars niya rito sina Sue Ramirez, Ryan Bang, Jerome Ponce, at Gloria Diaz.

Sina Adrienne Vergara at Teejay Marquez ang mga bida sa Girl Online na mula sa direksyon ni Jose Javier Reyes.

Ang Regal ang line producer ng youth-oriented television series na Gen Z na napapanood sa TV5 at Cignal Play.

Sina Jerome Ponce, Jane Oineza, Ricci Rivero, Chie Filomeno, Melizza Jimenez, Kent Gonzales, at Darwin Yu ang cast members ng Gen Z.

Ang movie company ni Roselle ang producer ng successful Boys Love Series na Ben X Jim Forever, ang most viewed title sa streaming site na UPSTREAM.ph.

Continue reading below ↓

Lastly, according to Roselle, co-producer siya ng UPSTREAM Original na A Girl and A Guy, ang horror trilogy na Rabid, at ang action-packed movie na Day Zero na pinagbibidahan nina Brandon Vera, Pepe Herrera, at Ricci Rivero.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lady boss Roselle Monteverde (center), inihayag na ang Mga Kaibigan Ni Mama Susan ni Joshua Garcia (left) at Mommy Issues ni Pokwang (right) ang ilan sa upcoming films ng Regal Entertainment. "We try to make it work within the protocols that are set in our industry..."
PHOTO/S: Roselle Monteverde / Regal Entertainment Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results