Dalawang local streaming service may bagong special Hallyu sections para sa Korean wave fans

by Jojo Gabinete
Mar 28, 2021
Isa ang Oscar award-winning Korean movie na Parasite sa mga mapapanood na sa special Hallyu section ng VivaMax at UPSTREAM.ph.

Bukod sa pagtangkilik sa mga beauty pageant, maaasahan ang mga Pilipino sa pagsuporta sa mga Korean star, K-Pop, Korean movies, television series, at maging sa samgyeopsal.

Kakaiba ang fascination ng mga Pilipino sa mga Koreano dahil walang araw na hindi trending sa Twitter Philippines ang mga K-Pop group at Korean actors.

Handang-handang makipag-away ang Pinoy fans sa sinuman na magiging kritiko ng BTS, BlackPink at ng Korean actors na sina Lee Min-ho, Song Joong-ki,Gong Yoo, among others.

Marami ang local stars na naging biktima ng bashing ng kapwa Pilipino dahil nagkamali silang punahin, constructive or destructive, ang mga Korean actor at K-pop artists.

Ang mahirap-ipaliwanag na pagkahumaling ng ating mga kababayan sa anything Korean ang dahilan kaya mainit ang pagtanggap ng fans sa tweet ni Anne Curtis tungkol sa Seobok, ang bagong Korean movie ni Gong Yoo at Park Bo-gum.

Masaya at malaking balita para sa Pinoy fans nina Gong Yoo at Park Bo-gum na kasabay ng pagbubukas sa mga sinehan sa South Korea sa April 15 ng Seobok ang streaming nito sa VivaMax.

Continue reading below ↓

Mapapanood nila ang kanilang pinakahihintay na pelikula habang sarado pa ang movie houses sa Pilipinas na apektado ng coronavirus pandemic.

Hindi lamang ang VivaMax ang local streaming site na may special section para sa Korean movies at television series na tinawag na Hallyu o Korean Wave, dahil may Korean films din na mapapanood sa UPSTREAM.ph.

Katulad ng Parasite, The Battleship Island, Okay! Madam, Little Forest , Secret Zoo, Bring Me Home, at A Day ang ilan sa popular Korean movies na handog ng UPSTREAM.ph para sa mga Pilipino na masidhi ang pagmamahal at suporta sa South Korean entertainment industry.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Isa ang Oscar award-winning Korean movie na Parasite sa mga mapapanood na sa special Hallyu section ng VivaMax at UPSTREAM.ph.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results