Bakit halos maglupasay sa pag-iyak si Abena Appiah nang manalong Miss Grand International 2020?

by Jojo Gabinete
Mar 29, 2021
Abena Akuaba Appiah
Patunay sa mga post ni Abena Appiah nnung 2019 kung gaano siya kahusay mag-aral ng lengguwahe ng bansang nagho-host ng sinalihan niyang pageant.
PHOTO/S: @abenaakuaba Instagram

Ang tagumpay ni Abena Appiah sa 8th Miss Grand International ang nag-udyok sa mga Pilipinong beauty pageant aficionado para magsaliksik tungkol sa kanyang pinagmulan at pagkatao.

Nagkaroon ng interes ang mga Pilipino kay Appiah dahil malaking bagay na isang Pilipina, si Samantha Bernardo, ang kanyang mahigpit na kalaban at first runner-up niya sa Miss Grand International 2020.

Nakadagdag din sa interes kay Appiah ang pagsali niya sa 19th Miss Earth bilang official delegate ng Ghana na ginanap sa Okada Manila noong October 26, 2019.

Ang pagkakaroon ng gana ng mga Pinoy sa former Miss Earth Ghana ang dahilan kaya nalaman nilang beterana na siya sa pagsali at hindi basta kontesera sa mga beauty pageant.

Twenty-one years old si Appiah nang maging kinatawan ng Ghana sa 63rd Miss Universe na ginanap sa Miami, Florida, U.S.A. noong January 25, 2015.

Si MJ Lastimosa ang kandidata ng Pilipinas sa 63rd Miss Universe, at ito ang paliwanag kaya naging magkaibigan sila ni Appiah.

Continue reading below ↓

Social media follower ni Appiah si Lastimosa na madalas mag-post ng encouraging words sa Instagram account niya.

Pinahanga ni Appiah ang mga Thai dahil sa fluent na pagsasalita niya ng Thai language sa coronation ng Miss Grand International na nangyari nung Sabado, March 27, sa Bangkok, Thailand.

Ang hindi alam ng Thai people, may kakayahan si Appiah na maging bilingual dahil ginawa na niya ito nang pumunta siya sa Pilipinas noong 2019 para sa 19th Miss Earth.

Ang kaligayahang naramdaman ni Appiah nang kumain ito ng popular Pinoy street food na kwek-kwek ang isa sa mga early post niyang may caption na, “kaligayahan ang lahat, ito ako pagkatapos kumain ng kwek kwek” habang nasa bansa siya noong 2019.

IG Photo: Abena Appiah in Miss Earth 2019 stint

Continue reading below ↓

Lalong minahal ng mga Pilipino si Appiah dahil sa sumunod na post nito, gamit ang Tagalog language—ang pasasalamat niya sa mainit na pagtanggap sa kanya ng ating mga kababayan.

“Maraming salamat Philippines, mahal kita at sambahin kita. Tinanggap mo lahat ako at pinayagan akong tamasahin ang iyong magandang kultura, na ngayon ay mahal na mahal ko.

"Ako ay Filipino sa pamamagitan ng puso, mahal na mahal kita lahat at ipinagdarasal ko na mapapasaya kitang lahat,” ang Instagram post ni Appiah noong October, 25, 2019.

IG Photo: Abena Appiah thanks Philippines using Tagalog caption

Continue reading below ↓

Pruweba ito ng kanyang abilidad matuto sa pagsasalita ng lengguwahe ng ibang bansa sa maiksing panahon.

Kulad ng ipinakita niya sa gabi ng koronasyon ng Miss Grand International na dahilan para makuha ng 27-year-old beauty queen ang atensiyon ng Thai judges at ni MGI President Nawat Itsaragrisil.

Ang maraming beses na pagsali noon ni Appiah sa mga international beauty pageant, modeling contest, at ang kanyang madalas na pag-uwing luhaan ang posibleng rason kaya iyak siya nang iyak at halos maglupasay sa sahig sa announcement na napanalunan niya ang Miss Grand International 2020 crown.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Patunay sa mga post ni Abena Appiah nnung 2019 kung gaano siya kahusay mag-aral ng lengguwahe ng bansang nagho-host ng sinalihan niyang pageant.
PHOTO/S: @abenaakuaba Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results