Paulo Avelino, nagtayo ng sariling film company

by Jojo Gabinete
Mar 29, 2021
First movie ni Paulo Avelino (left) bilang co-producer ang pelikulang Dito at Doon, na pinagbibidahan nina Janine Gutierrez at JC Santos (right).
PHOTO/S: Instagram

Hindi natuloy ang theatrical release ng Dito at Doon noong March 17 dahil sarado pa ang mga sinehan.

Kaya nagdesisyon ang TBA Studios na ipalabas ang pelikulang pinagbibidahan nina Janine Gutierrez at JC Santos sa streaming site na UPSTREAM.ph simula sa March 31.

Si Daphne Chiu ang executive vice president at general manager ng TBA Studios at siya rin ang producer ng Dito at Doon.

Si Daphne ang nagkuwento sa Cabinet Files na nagsimula noong December 4, 2020 ang shooting ng Dito at Doon at natapos ito noong December 22.

Si JP Habac ang direktor ng pelikula. Siya rin ang direktor ng I’m Drunk, I Love You, ang 2017 movie nina Paulo Avelino at Maja Salvador.

Tumutulong si Paulo sa promo ng Dito at Doon sa pamamagitan ng mga social media post niya, dahil sa kanyang importanteng partisipasyon bilang co-producer ng pelikula.

IG Photo: Paulo Avelino promotes co-produced film Dito at Doon

Continue reading below ↓

Ang Dito at Doon ang unang project ni Paulo bilang may-ari ng kanyang sariling movie outfit, ang WASD Films.

Para sa mga nagtatanong sa kahulugan ng pangalan ng film company ni Paolo, ang WASD ang apat na keyboard keys na ginagamit sa video games interaction dahil certified online gamer ang aktor.

"Si Pau invested into the project as his first project for his production company, WASD Films.

"Hindi siya involved sa line production and day-to-day kasi he trusts na raw ang TBA Studios,” sagot ni Daphne nang kumustahin namin si Paulo bilang co-producer ng Dito at Doon.

Nagkaroon ng world premiere ang Dito at Doon sa New Action! Southeast Asian Section ng Osaka Asian Film Festival na naganap noong March 5 hanggang March 14, 2021.

Para sa mga nagnanais mapanood ang Dito at Doon, mag-uumpisa sa March 31, 12:01 a.m. ang UPSTREAM.ph streaming ng Janine-JC starrer.

Pwede itong panoorin nang paulit-ulit sa loob ng 24-hour (upon first play) viewing period.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
First movie ni Paulo Avelino (left) bilang co-producer ang pelikulang Dito at Doon, na pinagbibidahan nina Janine Gutierrez at JC Santos (right).
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results