Alitan ng magkapatid na sina Jinggoy Estrada at JV Ejercito, muling sumiklab dahil sa pagkakaospital ng kanilang ama

by Jojo Gabinete
Mar 30, 2021
Nagparinigan sa social media ang magkapatid at mga dating senador na si Jinggoy Estrada (kaliwa) at JV Ejercito (kanan).
PHOTO/S: Facebook / Instagra,

Ang confinement ni former President Joseph Estrada sa ospital dahil sa COVID-19 ang naging ugat para muling “sumiklab” ang matagal nang hidwaan ng kanyang mga anak—ang mga former senator na sina Jinggoy Estrada at JV Ejercito.

Ang mga social media post ng half-brothers ang dahilan kaya nalaman ng publiko na buhay na buhay pa rin ang hidwaan nila.

Si JV ang unang nag-post sa Twitter account niya kahapon, March 29, na hihinto na siya sa paglalabas ng mga impormasyon tungkol sa karamdaman ng kanilang ama dahil hindi ito nagustuhan ng kanyang kapatid.

Hindi pinangalanan ni JV ang kapatid na sinasabi niya, pero marami ang naniniwalang si Jinggoy ang kanyang tinutukoy dahil ito lang ang may kapangyarihan at lakas ng loob na pagalitan siya.

Tweet ni JV: "Because of our complicated family structure, I will not be issuing any medical bulletins or any info from the hospital regarding my father.

"One sibling called me because I was interviewed earlier and conversation didn’t turn out well. Sorry guys. It’s complicated."

Continue reading below ↓

Twitter Post: JV Ejercito halts info update for dad Erap after a callout from a sibling

Ngayong Martes ng hapon, March 30, si Jinggoy naman ang nag-post sa kanyang Facebook page ng mensahe para sa isang kapatid na hindi rin niya pinangalanan.

Pero malinaw na patungkol ito kay JV dahil may kinalaman sa hindi pagkakaunawaan ng magkapatid ang isyu.

"Now is NOT the time for our differences. This is not about you, not about me, nor about our siblings. This is about our father.

Continue reading below ↓

"Let us continue to pray and support him. Magpasalamat tayo sa Poong Maykapal na buhay ang ating ama, at ipagdasal natin ang mabilis niyang paggaling."

Facebook Post: Jinggoy Estrada subtle shade against JV Ejercito tweet

Samantala, naghatid ng kalituhan sa followers ni JV ang kanyang magkakasunod na tweet ngayong hapon tungkol sa isang mahal niya sa buhay na namatay.

"One of the saddest day of my life," isa sa mga tweet ni JV.

Continue reading below ↓

Twitter: JV Ejercito post about death of someone close to him, netizens speculate

Napilitan siyang magpaliwanag dahil sa" wow mali" na pagkakaintindi ng mga nakabasa sa kanyang Twitter post na maaaring hindi na naman ikatuwa ni Jinggoy.

"Let me clarify, a lot were confused with my tweets. I am mourning because of the loss of my Doggie/Bestfriend Gunn. My father is in stable condition in the hospital. Timing that my dog died this morning," paglilinaw ni JV.

Continue reading below ↓

Sobra apektado si JV sa pagkawala ng kanyang pet dog kaya nakapagbitaw siya ng mga salitang “A part of me died today. My doggie, my Bestfriend, Gunn left us na. I can’t stop crying…”

Twitter: JV Ejercito clarifies issue, posts photo with his deceased dog

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagparinigan sa social media ang magkapatid at mga dating senador na si Jinggoy Estrada (kaliwa) at JV Ejercito (kanan).
PHOTO/S: Facebook / Instagra,
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results