Eric Fructuoso, may bahagyang butt exposure sa birthday photo

by Jojo Gabinete
Mar 31, 2021
Eric Fructuoso on his daring pictorial for his 44th birthday: "I was born naked and I wanted to celebrate the same way."
PHOTO/S: Eric Fructuoso Facebook

Ngayon, March 31, ang 44th birthday ni Eric Fructuoso, at para maging makabuluhan ang kanyang kaarawan, nagpakuha siya ng litrato na walang saplot habang nakatalikod at nakasakay sa motorsiklo sa gilid ng kalsada.

May mga naeskandalo sa larawan ni Eric dahil Holy Wednesday, pero walang makitang masama o malisya ang aktor sa kanyang ginawa.

"I was born naked and I wanted to celebrate the same way. Good vibes lang," paliwanag ni Eric sa Cabinet Files sa kakaibang klase ng paggunita niya ng kanyang 44th birthday.

Kung naeskandalo ang mga nakakita sa social media ng birthday-suit photo ni Eric, tiniyak naman niyang hindi nabulabog ang mga tao nang mangyari ang kanyang pictorial.

"Wala naman nabulabog. Mas nabulabog ang mga sasakyan sa kalye. Ang staff ko ang photographer. Mabilis lang, baka magkabanggaan ang mga sasakyan," ani Eric.

Unang nag-trend sa social media si Eric noong August 2020 dahil naman sa litrato niyang nagmamaneho ng tricyle.

Continue reading below ↓

Inakala ng publiko na namamasada na siya para may pagkakitaan sa panahon ng Coronavirus-19 pandemic.

Tulad ng kanyang hubad na birthday photo, pang-good vibes lang ni Eric ang tricycle picture para raw makapagbigay siya ng inspirasyon at huwag ikahiya ng mga tao ang ginagawa nila para mabuhay.

Maging matagumpay ang mga negosyo at upcoming business niya ang dasal at hiling ni Eric para sa kanyang kaarawan ngayon.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Eric Fructuoso on his daring pictorial for his 44th birthday: "I was born naked and I wanted to celebrate the same way."
PHOTO/S: Eric Fructuoso Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results