Horror film na Puwera Usog, trending sa Netflix

by Jojo Gabinete
Mar 31, 2021
Bahagi ng ensemble cast ng Puwera Usog sina Sofia Andres, Albie Casino, Devon Seron, at Kiko Estrada.
PHOTO/S: Screengrab from Puwera Usog trailer YouTube

Bilang paggunita sa Semana Santa, hindi mapapanood sa darating na Biyernes ang season finale ng Ben X Jim Forever, ang popular Boys Love Series ng Regal Entertainment Inc.

Ito ang anunsiyo ng producer na si Roselle Monteverde, "In observance of the Holy Week, the season finale of BXJ will be available on April 9 exclusively on UPSTREAM.ph."

May alok ito na binge watching sa halagang PHP250 ng episode 1 hanggang episode 7 ng BL series na pinagbibidahan nina Jerome Ponce at Teejay Marquez.

Pwera Usog

Ipinapaabot din ni Roselle ang pasasalamat niya sa Netflix viewers na patuloy na tumatangkilik sa Pwera Usog.

Ito ay 2017 horror thriller film ng Regal Entertainment Inc. na matagal na number one at hindi nawawala sa Top 10 movies ng Netflix Philippines.

Marami sa mga Pilipino ang nasorpresa nang panoorin nila ang Pwera Usog dahil hindi nila inaasahan na maganda ang pelikula.

Ang award-winning movie director na si Jason Paul Laxamana ang sumulat ng kuwento at direktor ng Pwera Usog kaya hindi nakapagtataka na pulido ang pagkakagawa niya sa pelikula na Graded A ng Cinema Evaluation Board nang ipalabas ito sa mga sinehan noong March 8, 2017.

Continue reading below ↓

Sina Devon Seron at Kiko Estrada ang dalawa sa mga cast member ng Pwera Usog at dito nagsimula ang kanilang closeness na humantong sa relasyon pero nauwi rin sa hiwalayan.

Maliban sa kanyang cryptic social media post tungkol sa masalimuot na pagsasama nila ni Kiko, walang direktang inaamin si Devon tungkol sa kanilang rumored breakup.

Kaya inaabangan kung itutuloy pa rin ng Regal Entertainment Inc.ang plano na pagsamahin sila sa isang pelikula.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bahagi ng ensemble cast ng Puwera Usog sina Sofia Andres, Albie Casino, Devon Seron, at Kiko Estrada.
PHOTO/S: Screengrab from Puwera Usog trailer YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results