Former President Joseph Estrada, bumubuti na ang kalagayan matapos magpositibo sa COVID-19

by Jojo Gabinete
Apr 1, 2021
Former President Joseph Estrada: "Maraming salamat sa inyong mga dasal at ako ay nasa maayos na kalagayan. Wag kayong mag-alala, malakas ako, kayo ay mag-ingat din. Kayo ay stay healthy rin."
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

Naglabas si former Senator Jinggoy Estrada ng video ni ex-President Joseph Estrada bilang patunay na bumubuti na ang kalagayan ng kanyang ama, na tinamaan ng COVID-19 at kasalukuyang naka-confine sa isang ospital sa Metro Manila.

Sa recorded video, pinasalamatan ni Erap ang mga kababayan nating nagdarasal para sa paggaling niya na patunay na walang katotohanan ang balitang kumalat kahapon, March 31, na may nangyari sa kanya.

Sabi ni Erap, "Maraming salamat sa inyong mga dasal at ako ay nasa maayos na kalagayan.

"Wag kayong mag-alala, malakas ako, kayo ay mag-ingat din. Kayo ay stay healthy rin."

Makikita sa video ang dating pangulo na may nakakabit na nasal canula sa kanyang ilong habang nagsasalita siya dahil medyo hindi pa normal ang paghinga niya.

Kagabi, muling naglabas si Jinggoy sa Facebook live nito ng medical bulletin tungkol sa kalagayan ng kanyang ama.

"Tumaas na rin po ang kanyang oxygenation level. Naging 95 to 96 ngunit sometimes, medyo restless si President Erap dahil masyado na siyang bored.

Continue reading below ↓

"Alam mo naman ang tatay ko, mahilig mag-entertain ng bisita ‘yan. Hindi siya sanay na nag-iisa kaya minsan, tinawagan nga niya ako ng ala-sais nang umaga, gusto na nga raw niya umuwi.

"Sabi ko, 'Hindi ka pwedeng umuwi dahil baka makahawa siya pero siyempre, he was really upset sa mga sinabi ko.

"At any rate, yung kanyang COVID markers, kumbaga yung mga inflammatory markers niya are on a downward trend. Pababa na po so maraaming-maraming salamat po, Lord.

"Pero yung kanyang chest X-ray, hindi pa gaanong maganda. Well, that is expected kasi ilang araw pa lang naman siya roon [hospital] yung kanyang pneumonia.

"Yung creatinine niya has improved a little bit siyempre kasi usually kapag COVID patient ka, merong tendency na tumaas yung creatinine.

"Yung creatinine, sa kidneys ‘yon. Sa mga hindi nakakaalam, kapag mataas ‘yung creatinine mo, kapag nagpa-blood test ka, apektado yung kidneys mo.

"Yung SGOT/SGPT, sa atay naman ‘yon.

Continue reading below ↓

"Wala na ho siyang lagnat at wala na rin siyang diarrhea kaya I hope this will be the start of his recovery kaya po mga kababayan, humihingi pa rin ako ng inyong mga mahahalagang dasal para malagpasan na po ng aking ama itong pinagdadaanan niya ngayon.

"Itong paglaban sa COVID-19 at siyempre, maraming-maraming salamat sa Diyos at hindi na siya kailangan butasan sa leeg, hindi na siya kailangan i-intubate.

"Yun lang ang konswelo at sana sa lalong madaling panahon, maging negative na yung kanyang resulta para makauwi na siya sa amin."

FALSE INFORMATION

May paglilinaw ring ginawa si Jinggoy tungkol sa diumano’y false information na ibinibigay ng ibang mga tao.

Hindi nagbanggit si Jinggoy ng pangalan pero malinaw na ang kanyang half-brother, ang former senator na si JV Ejercito, ang tinutukoy niya.

Noong Lunes, March 29, nag-tweet si JV ng “Hospitals are really full, my father was rushed yesterday afternoon but stayed overnight at the emergency room because no room was available. Luckily, by 11 a.m., they were able to give him a room already."

Continue reading below ↓

Sa kanyang paglilinaw, iginiit ni Jinggoy na Linggo ng gabi at hindi hapon nang dalhin niya sa ospital ang kanilang ama.

"First hand information, huwag po kayong makikinig sa mga second-hand information. Sa mga naghuhula lang…

"Clarification lang, contrary to reports, dinala ko po ang ang aking ama, Linggo ng gabi, 10:30 ng gabi sa isang ospital dito sa Metro Manila, hindi po hapon.

"Clarification lang kasi maraming nagbibigay ng false information at saka kahapon, nagkaroon ng confusion na may nangyari na raw sa tatay ko.

"Buhay na buhay po ang tatay ko."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former President Joseph Estrada: "Maraming salamat sa inyong mga dasal at ako ay nasa maayos na kalagayan. Wag kayong mag-alala, malakas ako, kayo ay mag-ingat din. Kayo ay stay healthy rin."
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results