Watch Now

Rosanna Roces, Alma Moreno, Gardo Versoza, Leandro Baldemor, bibida sa Part 2 ng Pornstar

by Jojo Gabinete
Apr 1, 2021
Ang dating mga sexy star na sina Rosanna Roces, Alma Moreno, Gardo Versoza, at Leandro Baldemor ay pangungunahan ang cast ng sequel ng Paglaki Ko, Gusto Ko Maging Pornstar.
PHOTO/S: Instagram / TWBA (Alma)

Ang pagkakaroon ng sequel ng Paglaki Ko, Gusto Ko Maging Pornstar ang isa sa mga announcement ng direktor na si Darryl Yap at ni Rosanna Roces.

Inanunsiyo ito sa virtual presscon ng Kung Pwede Lang (KPL), ang rantserye na mapapanood sa VivaMax simula sa April 9, 2021.

Nag-umpisa ang streaming ng Pornstar sa VivaMax noong January 29.

At dahil sa tagumpay nito, napagkasunduan ni Darryl at ng Viva Films na gumawa ng Part 2 ng kontrobersyal na pelikula.

Pero may mga pagbabago sa sequel ng Pornstar dahil ikakasal si Ara Mina kaya hindi na siya kasali.

Idadagdag naman sa cast ang mga popular sexy actor noong kapanahunan nila, gaya nina Gardo Verzosa at Leandro Baldemor na parehong mga discovery ng Seiko Films.

Kasama pa rin sa Pornstar sequel sina Rosanna at Alma Moreno.

Sunud-sunod ang mga project nina Rosanna at Darryl na magkasama dahil naniniwala ang huli na masuwerte ang kanilang tandem kaya ang former sexy actress ang kinuha niya bilang lead star ng KPL.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Unang nagkatrabaho ang dalawa sa Pornstar na sinundan ng KPL, Revirginized, at ang upcoming Part 2 ng Pornstar.

Halaw ang KPL rantserye mula sa hardcore short films ng VinCentiments.

Introducing sa KPL sina Carlyn Ocampo, Loren Marinas at Bob Jbeili at lead stars sina Rosanna, Dexter Doria at Dennis Padilla.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang dating mga sexy star na sina Rosanna Roces, Alma Moreno, Gardo Versoza, at Leandro Baldemor ay pangungunahan ang cast ng sequel ng Paglaki Ko, Gusto Ko Maging Pornstar.
PHOTO/S: Instagram / TWBA (Alma)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results